Jameson, nalasing sa ‘sarap’ kay Lovi!

Jameson

Maging ang direktor ng pelikulang Guilty Pleasure na si Connie Macatuno ay hindi mabilang kung gaano karami ang daring and intimate scenes sa movie na pinagbibidahan nina Lovi Poe, Jameson Blake and JM de Guzman.

Kaya naman R-16 without cuts ang rating na ibinigay ng MTRCB sa Guilty Pleasure at sey nga ni direk Connie, ito na raw ang pinakaseksing pelikulang ipalalabas sa sinehan this year.

“Merong ginawa si JM at saka si Lovi na intimate scene there na na-surprise rin ako sa kanila but I let it be. ‘Yung parang they were playing a song, and then, sobrang naging intense ‘yung emotions nila,” kwento ni direk Connie sa mediacon.

“’Yung kay Jameson naman saka kay Lovi, ang masasabi ko lang, lasing siya (Jameson) sa sarap. Charot!” sey ni direk sabay-tawa.

“Intoxicated is the word. Intoxicated siya sa ganda ni Alexis (Lovi’s character),” dagdag pa niya.

Ayon naman kay Lovi, pumayag daw siya sa lahat ng ipinagawa ni direk dahil buong-buo ang tiwala niya rito.

Sa first day of shoo­ting pa lang daw ay love scene na agad ang kinunan ni direk kaya aminado si Jameson na na-shock din siya.

Biro naman ni JM, “I feel violated.”

Diretso namang natanong si Lovi kung kanino siya mas ‘nasarapan’ between JM at Jameson at natawa ang aktres.

“Iba kasi ‘yung atake ng bawat isa. Magkaiba, eh,” aniya.

“It’s a different experience. So, they delivered perfectly sa characters nila,” dagdag pa niya.

Ang masasabi lang ng aktres, “unusual” ang intimate scene nila ni JM at “loving and tender” naman kay Jameson.

Pero paglilinaw naman niya, “the sexy part of the film is just tip of the iceberg. There’s so much depth in the story and everyone did an amazing job.”

Showing na sa mga sinehan nationwide ang Guilty Pleasure simula sa Oct. 16 mula sa Regal Entertainment at C’est Lovi Productions ni Lovi.

Ruffa, umalma sa fake news!

Inalmahan ni Ruffa Gutierrez ang lumabas na fake news tungkol sa kanyang inang si Annabelle Rama.

Isang netizen kasi ang nag-post na sinabi raw ni tita Annabelle na mas bagay raw si Janine Gutierrez kay Jericho Rosales kaysa kay Paulo Avelino.

Sa screenshot nga na ibinahagi ni Ruffa sa kanyang Instagram Story ay mababasang naka-quote pa ang kanyang ina na sinasabing noon pa may ayaw na niya kay Paulo para kay Janine dahil babaero ang aktor.

Kaya naman hindi ito pinalampas ni Ruffa at ipinagsigawang fake news ito.

“Before posting make sure you get your facts STRAIGHT,” mensahe niya sa nag-post.

Sey pa niya, “Netizens, before you comment, mag-research muna kayo. BLOCK & REPORT THIS ACCOUNT!”

Tinanong pa raw niya ang mommy niya tungkol sa isyung ito at ang sagot daw nito sa kanya, “pakialam ko sa kanila! Busy ako, ‘day!”

Hahaha! Mas apektado pa si Ruffa kaysa sa kanyang mommy.

Jennylyn, natalbugan ni Dennis

Aliw ang sagot ni Dennis Trillo sa komento ng netizen tungkol sa kanyang pagsusuot ng crop top.

“Ba’t ganun?” sey ng netizen, “natatawa ako na kinikilabutan…@dennistrillo wag mo na ulitin kahit nakaka good vibes (laughing face emojis) na confuse ako sa naramdaman ko, napa comment tuloy ako. Cute!”

Sagot naman ng aktor, “pasensiya na po kayo pero marami na akong biniling Crop Top.”

Hahaha!

Matatandaang ibinandera ni Dennis sa kanyang Instagram account ang kanyang OOTD habang magka-holding hands silang naglalakad ng asawang si Jennylyn Mercado sa Disneysea, Japan.

Makikita sa reel na nakasuot ng crop top si Dennis na matatatandang pinauso ng two-time Olympic gold gymnast na si Carlos Yulo.

Ang daming nag-react sa OOTD ni Dennis at maging ang mga kapwa-celebrities ay nag-comment din. May tumawag pa nga sa aktor ng “Dennis TrillYULO.”

At ang pinaka-nakakaloka sa lahat, natalbugan ni Dennis nang bonggang-bongga ang lovely wife niya sa kanyang suot. Hahaha!

Show comments