^

Pang Movies

Joshua, hindi kapani-paniwalang magiging bading

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Joshua, hindi kapani-paniwalang magiging bading
Joshua

Hindi namin malaman kung bakit kalat na kalat ngayon ang paninira kay Joshua Garcia.

Pinalulutang nila, ang lumang style na dahil ginawa na rin nila sa maraming sikat na aktor, bading daw ito, na siguro masasabi naming may tililing lang ang maniniwala at lalong malakas ang tililing nung gumagawa ng ganyang kuwento, pero may pumapatol ha.

Hindi namin kaibigan si Joshua, ni hindi namin kakilala nang personal, at hindi rin naman niya ako kilala pero hindi kami naniniwala sa paninira sa kanya.

May potential si Joshua kaya nakakahinayang naman kung wawasakin siya.

Tingnan nga ninyo, si Julia Barretto hindi na nila alam kung ano ang gagawin pero nakabangon nang itambal nila ulit kay Joshua. Maski nga si Aga Muhlach ang leading man noon pumalpak na eh.

Saka may girlfriend si Joshua.

Ate Vi, walang makatapat

Ang Vilmanians, hindi lang pelikula ang sinusundan, masasabing mga top campaigner din sila ni Ate Vi (Vilma Santos) noong mga nakakaraang panahon, pero sa pagkakataong ito, sinasabi nila na palagay ang kanilang loob, kampante sila dahil “mukhang wala namang kalaban si Ate Vi.” Siguro nga dahil ma­ging ang mga kaibigan namin sa Batangas na hindi naman Vilmanians ganoon din ang sinasabi.

Ayun din sa ibang sources maski si Ryan Christian Recto mukhang wala ring mahigpit na makakalaban.

Pero ang iniisip pa rin nila ngayon, makakahabol ba ang pelikula ni Ate Vi sa Metro Manila Film Festival. Nararamdaman nila ang challenge na ipakitang muli na wala nang contest talaga sa pagitan ni Ate Vi at kung sino mang inilalaban sa kanya.

Dennis, namakyaw ng crop top!

Natawa kami sa sagot ni Dennis Trillo nang punahin ng iba na nakasuot siya ng nauuso ngayong crop top. “Pasensiya na kayo marami na akong nabiling crop top eh” sagot ni Dennis.

Ano nga ba pakialam ninyo kung sumusunod siya sa uso? Ano ang pakialam ninyo kung doon siya comfortable.

Tama iyon kung saan ka-comfortable, iyon ang isuot mo. Bagama’t totoo rin na bilang mga artista obligasyon nilang kumilos at magbihis nang maayos, wala tayong pakialam kung ano ang gusto nila.

At saka bata pa si Dennis, bagay pa sa kanya iyon. Kung matanda na ang magsusuot ng ganun, magiging mahalay na.

Carlos at Chloe, pakakasal na!

Ngayon sinabi na ni Carlos Yulo, balak niya na sa susunod na taon ay pakasalan na ang kanyang girlfriend na si Chloe San Jose, at gusto niyang mayroon na silang anak bago pa man siya sumabak sa kasunod na Olympics sa 2028. Tigilan na ninyo iyang bashing, in love sila sa isa’t isa, huwag na ninyong pakialaman iyon.

Ang pakialaman ng mga basher ay kung nakakapagsanay ba siya nang maayos para muli siyang manalo ng medalya at makapagbigay ulit ng karangalan sa Pilipinas.

Aktor, naagawan

Galit na galit at halos isumpa ng isang aktor ang “One Night Stand Queen.”

Ang dahilan, nakumpirma raw ng aktor na ang ONS Queen ay nabingwit din ang isang bagets male star na mukhang “ka-ONS” din ng aktor na bading.

Siyempre naman lalamang ang ONS dahil totoong babae iyon eh siya babae lamang sa ilusyon niya. Isa pa kilalang bigay todo si ONS Queen basta gusto niya ang kasama niya.

Eh iyan namang bading na iyan, puro OPM lang daw. Dalawa ang kakilala naming niligawan ng bading na aktor, isang sikat na male model at isang professional na ang trabaho noong araw ay sa isang international airline.

Doon sa model hindi siya talaga naka-score, doon sa dating flight attendant may nangyari yata sa kanila sa abroad. Pero iniwan din siya.

Kaya ngayon, hindi kami magtataka kung naagawan na siya ng ONS Queen dahil bukod sa tunay na babae iyon, datungera rin ang ONS queen na iyan. Siya pa ang nagdadatung ha.

vuukle comment

JOSHUA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with