Nanay ni Sandro, may pakiusap sa bashers
“Nagwala ako,” ito ang mga katagang inamin ng New York-based mother ng controversial young Kapuso actor na si Sandro Muhlach na isang nurse at former wife ng dating child superstar na si Niño Muhlach na si Edith Millare-Capistrano nang umabot sa kanyang kaalaman ang nangyari sa kanyang panganay.
“Hindi madali sa isang ina na katulad ko na malayo sa anak ko laluna nung mga panahon na kailangan niya ako sa kanyang tabi,” patuloy ni Edith.
Although halos araw-araw na nagkakausap sina Edith at Sandro, iba pa rin ang pakiramdam ng una na wala ang kanyang physical presence at the time na may matinding pinagdaraanan ang kanyang anak.
Hindi agad nakalipad patungong Pilipinas si Edith dahil bukod sa kanyang pamilya at maliit pa ang kanyang bunso (sa kanyang second husband), may trabaho siya bilang nurse.
Kumuha lamang siya ng a week leave of absence from work para lamang makita, mayakap at maka-bonding kahit sandali ang kanyang anak. “I was able to spend quality time with my son,” pag-amin ni Edith nang ito’y exclusive naming makapanayam sa aming online show, ang TicTALK with Aster Amoyo on my YouTube channel.
Nakikiusap din si Edith sa bashers ni Sandro na huwag na umano silang dumagdag sa pasan-pasang trauma ngayon ng kanyang anak. Kung hindi man daw nila maunawaan ang sitwasyon at pinagdaanan ni Sandro, tumahimik na lamang sila kesa lalo pa silang makapanakit.
Although ongoing pa ang kaso ni Sandro laban sa dalawang independent contract talents ng GMA, umaasa si Edith na mabibigyan ng hustisya ang nangyari sa kanyang anak at tuluyang makapag-move on ito sa kanyang buhay.
Tabing Ilog, binuhay
Muling mapapanood ang rerun ng Tabing Ilog: The Musical Return na gaganapin sa PETA Theater Center in Quezon City mula Nov. 8, 2024 hanggang Dec. 1, 2024 na pinamamahalaan ni Phil Noble mula sa playwright na si Eljay Castro Deldoc.
Bukod sa mga dati nang cast ng Tabing Ilog: The Musical which was first staged in February 2020 na agad nahinto dahil sa pandemic, may bago itong karagdagan. Pero ito’y muling ipinagpatuloy nung isang taon which had a successful run produced ng Star Magic and Teatro Kapamilya in cooperation with PETA Theater Center kung saan tampok ang young talents ng Star Magic.
Ang BINI member na si Jhoanna Robles along with Sheena Belarmino at Vivoree ang siyang salitang gaganap bilang si Eds, ang papel na ginampanan sa TV ni Kaye Abad.
Ang SB19 member na si Akira Morishita with Benedix Ramos ang siya namang gaganap na Rovic orinally played on TV ni John Lloyd Cruz. Ang papel ni Corrine (Desiree del Valle) ay gagampanan naman nina Miah Canton at Anji Salvacion habang si Vino Mabalot naman sa role ni Fonzy. Sina Andi Abaya at Klara Takahashi sa papel ni George (Jodi Sta. Maria), si Matthew Servilla as Badong, Jordan Andrews at Kobie Brown as James habang sina Adrian Lindayag at Omar Uddin sa papel ni Andoy.
- Latest