^

Pang Movies

Feeling Hollywood star...aktres, mas malaki pa ang demand na TF kesa sa budget ng isang show

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kaya raw bihirang alukin ng teleserye ang aktres na ito dahil sa mga pambihirang demands nito.

Feeling Hollywood star ang aktres sa listahan na binigay niya sa kanyang manager na nakipag-meeting sa mga bossing. Kabilang dito ang sariling air-conditioned tent at toilet na walang ibang gagamit.

“Wala raw ibang puwedeng pumasok sa tent niya kundi ang kanyang make-up artist, stylist at mga personal na bisita. Bawal ang basta na lang daw papasok para sabihan siya na magmadali. Dapat ay i-text daw sa road manager niya. May specific na brand ang mineral water niya at ang pagkain niya ay sa isang chef-friend niya o-order-in. Siyempre, nagtaas ng kilay ang mga taga-production. Ano raw ba tinira ng aktres para mag-feeling? Marami na raw silang nakatrabaho na mas malalaking pangalan kesa sa aktres, pero never silang nag-demand sa production,” sey ng source.

Dahil sa listahan na iyon, isang big fat NO ang sinagot ng production sa kanyang manager.

At hindi pala ito ang first time na humiling ng demands ang aktres. Kinukuha siyang host para sa isang talent show. Pero dahil sa demands nito kaya hindi na lang tinuloy ang show. Mas mahal pa raw kasi ang budget ng demands niya kesa sa buong budget ng show.

Chelsea Manalo, dadalhin sa Mexico ang Tampisaw Walk

Palipad na si Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Manalo for Mexico para sa Miss Universe pageant.

Si Chelsea ang first Filipino-Black American candidate ng Pilipinas at hangad niyang ma-represent nang husto ang kanyang sarili bilang “woman of color.” 

Ang signature walk pala ni Chelsea ay “tampisaw walk.” Dahil sa lugar daw nila sa Bulacan ay laging binabaha tuwing umuulan, kaya ginawa niyang inspiras­yon iyong paglaro niya sa baha.

“In Bulacan I know we have a little bit of flood, but I’d also like to highlight how fun and playful Chelsea is. She’s like any other kid na naglaro sa labas ng bahay nila. So you’d see how my legs were, as if she’s playing.”

Lifestyle Queen, nagtaksil sa ex na babaero

Maraming revelation ang Lifestyle Queen na si Martha Stewart sa kayang Netflix documentary na Martha na ipapalabas on Oct. 30.

Kinumpisal ng 83-year-old na nagtaksil siya sa kanyang ex-husband na si Andrew Stewart na isang womanizer. “If you’re married and your husband starts to cheat on you, he’s a piece of s**t, get out of that marriage. He never knew about my affair with another man,” sey ni Martha na may isang anak na si Alexis. 

Kinuwento ni Martha ang kanyang pagiging teen model hanggang sa maging first female self-made billionaire siya dahil sa kanyang lifestyle brand. 

Kasama rin sa doc ay ang pagkakulong niya for five months in federal prison in 2004 dahil sa pagbenta niya ng stocks. Pero muli siyang bumangon at nabawi ang kanyang legacy.

“By being yourself and believing in yourself. You can’t give in to the crap. Learn something new everyday, and when you are through changing, you are through.”

vuukle comment

TALENT FEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with