KC, nakipagbalikan sa ex na football player?!

Sam at KC

Ang cute namang tingnan nina KC Concepcion at kapatid niya sa amang si Gabby Concepcion na si Sam na nag-Pilates date.

Binitbit ng anak nina Sharon Cuneta at Gabby ang kapatid para sa kanilang sister dates.

Mukhang iniimpluwensyahan din niya ito sa kanyang pagwo-workout na base sa kanyang mga post ay seryoso siya sa kanyang fitness routine.

Ipinost niya ang photo nila ni Sam na may caption na “Sister dates forever.”

Lutang nga ang ganda ng magkapatid na nagmana raw talaga sa tatay nila ayon sa netizens.

Kamakailan din ay naka-bonding ni KC ang kapatid din sa ama na si Garie sa kanilang Pilates session.

Bukod naman dito ay magkasama rin silang nag-attend ng football game at pinanood ang Azkals Celebrity Cup.

Nagkaroon tuloy ng ispekulasyon ang netizens na hindi raw kaya nagkabalikan si KC at ex-boyfriend niyang si Aly Borromeo na dating bahagi ng national football team ng Pilipinas?

Naroon din daw kasi ito sa event bilang isa sa celebrity players.

Maaalala kasing nagkaroon sila ng relasyon noong 2016 na tumagal ng dalawang taon.

Show comments