Vice, may kinumpisal tungkol kay Angel

Vice

Bongga naman pala si Angel Locsin dahil kahit wala siya sa limelight ay may communication pa rin naman pala siya sa kanyang mga kaibigan sa industriya.

Sa latest vlog ni Vice Ganda ay ikinuwento niyang binigyan siya ng bagong aso ni Angel.

Nag-upload ng bagong vlog ang Unkabogable Star sa kanyang YouTube kung saan ay ipinakita niya ang kanyang Labubu collection.

Matapos nga niyang i-unbox ang lahat ng binili niyang pinakamamahal na anime character, sa hulihan ng video ay dito na ikinuwento ni Meme Vice ang tungkol sa pagreregalo ng aso sa kanya ni Angel nang mamatay si Chip In.

Si Chip In ang alagang dog ni Vice Ganda na pumanaw nitong nakaraang Agosto.

Matatandaan ngang malungkot na ibinalita ng TV host sa kanyang Instagram ang pagpanaw ng kanyang fur baby.

Sey ni Vice sa kanyang bagong vlog, “Mayroon akong bagong dog, giant poodle siya. Regalo siya sa akin ni Neil at Angel Locsin.

“Kasi when Chip In passed on sobra akong lungkot. Si Chip In ay regalo sa akin ng mga kaibigan ko noong birthday ko, isa na roon si Angel Locsin,” patuloy niya.

Kwento pa niya, nang mawala si Chip In ay nagkataon ding kapapanganak lang ng alagang aso ni Angel.

“Kaya noong nalaman niya na nawala na si Chip In at alam niya na malungkot na malungkot ako, kapapanganak lang ng aso niya, ‘yung isa ibinigay niya sa akin,” Vice said.

“Wala pang name. Ay naku parang pwede ko siyang pangalanang – Zimeme. Kasi kahawig niya (si Zimomo),” dagdag pa niya.

Pagkatapos nito ay tumayo si Vice at pumunta sa kinaroroonan ng kanyang bagong fur baby.

“Look oh parang pareho kayo ng name. Wala pa siyang name. Papangalanan na lang kitang Zimomo, gusto mo na ba yon? Ikaw na lang si Zimomo,” sey niya sa giant poodle.

Natuwa naman ang ibang fans ni Angel na makabalita ng latest news tungkol sa kanilang idolo na 2 years nang hindi aktibo sa showbiz.

Kyle, binuhay ang mata ng kapatid na namatay

Bilang pag-alala sa kanyang pumanaw na nakababatang kapatid na si Isabella, nagpalagay ng tattoo sa likod si Kyle Echarri.

Matatandaaang pumanaw si Isabella noong April 1, 2023 sa edad na 12 matapos ang pakikipaglaban nito sa brain tumor.

Ibinahagi ng aktor sa kanyang Instagram ang video at larawan ng pagpapalagay niya ng tattoo at ito ay ang mata ng kanyang younger sister.

“My angel has already been looking over her Manong for awhile now… now I can say she’ll be looking over me forever,” caption ni Kyle.

Makikita rin na sa Barcelona, Spain pa nagpa-tat ang aktor and in fairness, ang husay ng tattoo artist na gumawa dahil buhay na buhay talaga ang mata ni Isabella.

Magugunita ring labis na dinamdam ng aktor ang pagpanaw ng kanyang younger sister at hanggang ngayon ay lagi niya itong inaalala sa kanyang mga post. Kitang-kita rin na hanggang ngayon ay masakit na masakit pa rin sa kanya ang pagyao ni Isabella.

Last April ay ginunita ni Kyle ang first death anniversary ni Isabella sa pamamagitan ng isang madamdaming post.

“A year ago today my angel flew to heaven. Today hurts just as much as it did before… to be honest I can’t wrap my head around the fact it’s already been a year because it feels like just yesterday I was receiving the news that my angel had to fight a battle that she never deserved,” bahagi ng post ni Kyle.

Hindi rin niya nakalimutan ang kaarawan ni Isabella nitong nakaraang January.

Show comments