Marian, massive ang Molly collection!

Marami nang makakapanood ng Cinemalaya movie ni Marian Rivera dahil ipalalabas na ito sa mga sinehan sa Oct. 16!

Masasaksihan na ang hirap ni Yan bilang si Teacher Emmy kung saan wala siyang double at nabugbog ang buong katawan para sa role niyang teacher na pinoprotektahan ang balota na babago sa kapalaran ng mga tao!

Bukod sa showbiz career ni Yan, tuluy-tuloy pa rin ang pagiging ambassadress niya ng Smile Train na tinutulungan niya.

Sa isang post sa Facebook, nasa harapan ng Rizal Monument si Marian kung saan nasaksihan niyang magkulay blue ito bilang bahagi ng World Smile Day!

Pinasalamatan ni Marian ang National Park Development Committee sa suportang ibinibigay niya sa World Smile Day.

“Let’s keep spreading joy and helping those with clefts!” saad ni Yan sa caption.

Samantala, ipinakita rin ni Marian sa TikTok ang collection niya ng Molly na mamahalin talaga, huh!

Aljur, umingay sa sagutan nina Kylie at AJ?!

Suportado ni AJ Raval ang kandidatura ng partner na si Aljur Abrenica sa Pampanga bilang konsehal.

Pero may kontra kahit hindi tinukoy nang diretso si Aljur at siyempre, sino pa ba kundi ang ex-wife na si Kylie Padilla.

Dumepensa naman si AJ kay Aljur na may quotation pa sa post. Basta ang mensahe n’ya kay Aljur, mahal siya ng Diyos!

Kaloka, pati Diyos, idinadawit sa parunggitan!

Show comments