Obispo at Pari, humingi rin ng tawad sa kontrobersya ni Julie Anne!

Minsan kahit na nagkamali ka, at na-bash dahil doon mas mabuti pang manahimik ka na lang para hindi na lumaki ang usapan.

Iyan ang nangyari kay Julie Anne San Jose na may mga naiskandalo dahil sa kanyang performance sa loob ng isang simbahan sa Occidental Mindoro, na nakasuot ng gown na labas ang hita at sumasayaw nang medyo wala sa ayos na hindi nababagay sa loob ng simbahan.

Nagmamadaling inako na ng Sparkle ang pagkakamali dahil hindi nila nasabihan ang kanilang artist kung ano ang proper decorum sa loob ng isang simbahan.

Dapat tumigil na sila roon pero may namba-bash pa.

Ngayon humingi na rin ng apology pati ang Obispo, at inutusan ang pari na gumawa ng isang public apology dahil sa nangyaring iyon.

Maging si Julie Anne ay nanghingi na rin ng tawad.

Nawa ay matapos na ito dahil baka lang masyadong natuwa ang mga tao dun kaya talagang nakalimutan na nasa loob sila ng simbahan.

Kylie, may bagong resbak kay AJ?!

Humirit pa si AJ Raval, hindi naman niya sinabing sagot iyon sa post ni Kylie Padilla dahil wala namang binanggit si Kylie kung sinong kandidato ang pinatutungkulan niya. Wala naman siyang sinabi si Aljur Abrenica iyon, pero hindi yata nakatiis si AJ na hindi niya ipagtanggol si Aljur na boyfriend na niya ngayon.

Lalo lang hahaba ang usapan niyan.

Ngayon madudugtungan pa at isang bagay yata ang nakalimutan nila, mas sikat na artista si Kylie kaysa kay AJ. At dito sa showbusiness, sa kahit na anong controversy, ang mas sikat ang kinakampihan dahil mas marami siyang fans eh. Natural mas marami ang lalait sa kumakalaban sa kanya.

Pero meron ngang panibagong cryptic post si Kylie at bahagi nito ay sinabing “But some people have the desire to be educated on it and do better while others will ignore accountability and continue to act the same way.”

Ba’t ba hindi na lang sila mag-usap-usap.

Nagpapapansin pa sila sa social media.

Gay Politician, kontra sa kandidatura ng jowa-jowaang aktor!

Nakita namin sa isang coffee shop ng isang malaking hotel ang isang male star na nag-file ng COC at kandidato ngayon, kausap ang isang gay politician na matagal na rin naman niyang “kaibigan.” Maya-maya, tila galit na umalis ang male star, iniwan ang “kaibigan” niyang gay politician.

Tapos narinig namin ang mga bodyguard ng gay politician na nagkukuwentuhan, “Kumandidato siya ayaw ni boss. Ngayon gusto niya bigyan siya ng pera para magkampanya? Ang dami na niyang nakuha kay Boss, sa tuwing may date naman sila binabayaran siya ah.”

May maililihim ka ba sa bodyguards? Gusto na nga nilang upakan ang male star kaya lang obvious naman masyado sa ganung lugar.

Show comments