^

Pang Movies

Pokwang, nagpaulan ng datung sa bagong bahay

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Ang ganda ng bagong bahay ni Pokwang na ang ilang bahagi ay kanyang ipinasilip sa reels na kuha sa house blessing. For once, wala kaming nabasang nega comment at lahat masaya sa magandang bahay niya.

Puro congratulatory comments at may kasamang papuri sa kasipagan niya para matupad ang pangarap. Makikita rin sa reels ang isang bag ng coins na ipinaagaw niya sa kanilang mga bisita na maku-curious ka kung magkano ang laman ng may kalakihang bag sa rami ng ipinaagaw na pera.

Hindi pa niya nababanggit kung ilang milyones ang worth ng bahay nila ng dalawa niyang anak. Kasama yata sa ipinagpagawa niya rito ay ang napagbilhan sa dati nilang bahay.

Pinuri rin ang kasipagan niya dahil hindi lang nagdedepende sa kita niya sa showbiz. Itinuloy nito ang kanyang bottled food business na tinawag niyang Mama Pokwang’s Gourmet na dahil sa sarap, laging sold-out.

AJ, ginamit ang panginoon para kampihan si Aljur

May reaction ang netizens sa mensahe ni AJ Raval kay Aljur Abrenica at feeling ng mga nakabasa, sagot ni AJ sa post ni Kylie Padilla tungkol sa mga kumakandidato.

Sabi ni AJ, “Nakikita kita at alam ko ang totoong nangyari sayo, naiintindihan kita. Ipagdasal na lang natin ang mga taong mapang api at mapang husga... mahal ka ng Panginoon at  kahit kailan hindi ka niya pababayaan.”

Sinundan pa ng “Alam mo naman ‘yon. Alam ko kung gaano ka kalapit sa Panginoon at saksi ako doon.. lagi mong pinagpapaliban sa Panginoon kaya kahit kailan hindi mo naisipan  gumanti at magsabi ng totoo.”

Para sa netizens, hindi na dapat niya ginamit ang Panginoon sa message niya kay Aljur, kaya lang, may gusto itong puntuhin.

Ang isa sa napansin ng netizens ay ang sinabi niya na kahit kailan hindi naisip ni Aljur na magsabi ng totoo. Gusto tuloy malaman kung ano ang gusto niyang tukuyin sa sinabi.

Inaabangan din ng netizens ang sagot ni Kylie sa post na ito ni AJ at higit sa lahat, ang sagot ni Aljur sa post ni Kylie sa mga kakandidato na kasama siya.

vuukle comment

POKWANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with