Julie Anne, humingi ng tawad sa ginawa sa simbahan

Naglabas ng public apology ang Limitless Star na si Julie Anne San Jose tungkol sa kanyang performance sa isang benefit concert sa isang simbahan sa Mamburao, Mindoro.

Marami raw kasi ang na-offend sa kanyang pag-perform sa loob ng simbahan kahit na ang intention lamang niya ay magbigay saya at suporta sa simbahan sa pamamagitan ng benefit concert.

Pinag-usapan kasi ang pagkanta niya ng Dancing Queen at hindi raw angkop ang suot niya sa loob ng simbahan na kita ang likod, cleavage at may slit pa ang gown.

Lesson learned daw ito sa kanya at sinisiguro niyang hindi na ito mauulit.

Hindi raw perpekto ang karelasyon ni Rayver Cruz at matibay ang kanyang pananampalataya.

Dasal daw niya ay mag-move on ang lahat na may compassion sa puso.

Depensa naman ng iba ay hindi raw ito kasalanan ni Julie Anne dahil performer lamang ito. Ang dapat daw sisihin ay ang organizer na nag-aaprub ng lahat.

Maski nga raw ang mga bishop at pari ay walang nakitang mali pero hinangaan siya dahil sa pag-ako niya sa nangyari.

Naglabas din ang Sparkle GMA Artist Center ng pahayag at inako ang responsibilidad at humingi ng paumanhin sa mga na-offend.

Show comments