BINI, pwedeng iboto ng fans sa MTV Europe Music Awards!

BINI

Hindi na talaga mapipigilan ang patuloy na kasikatan ng P-Pop all girl-group na BINI, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa na binubuo nina Jhoanna, Gwen, Mikha, Colet Sheena, Maloi, Aiah at Stacey na kilala rin as the Nation’s Girl Group with Blooms ang tawag sa kanilang fast-growing fans.

Ang BINI ay nominado for Best Asia Act sa 2024 MTV Europe Music Awards na gaganapin in Manchester, England sa darating na Nov. 11, 2024. At lahat ng Blooms (fans) ng BINI ay puwedeng bumoto online.

Bago pa man ang Nov. 11 music awards in England, the popular P-Pop group was named as one of the 12 Rising Girl Groups To Know Now ng Grammy Awards. Ito’y bukod pa sa parangal na tinanggap ng grupo nung nakaraang August sa Seoul, Korea sa Voices of Asia Award at Billboard Korea’s Billboard K POWER 100.

Matapos ang kanilang three-day sold out maiden concert at the New Frontier Theater nung nakaraang June, ang Big Dome (Araneta Coliseum) naman ang kanilang sasakupin via another 3-day sold-out concert on Nov. 16 – 18, 2024.

Nag-pay off din ang almost two-years training sa grupo since they were formed in 2020 sa gitna ng pandemic.

Ang tinaguriang Nation’s Girl group ay creation ng Star Magic at Star Music.

Ex-Showtime Direk, pinasok din ang pulitika!

Pulitika na ang direksyon ng ex-husband ng ABS-CBN Chief Operating Officer for Broadcast na si Cory Vidanes at dating director ng noontime show na It’s Showtime na si Bobet Vidanes na muling naghain ng kanyang kandidatura bilang vice mayor ng Pililia, Rizal. Siya’y acting vice mayor ngayon ng nasabing lugar matapos masuspinde ng Ombudsman ang alkalde ng Pililia.

The TV director-turned politician na si Bobet ay may tatlong anak sa kanyang ex-wife na si Cory Vidanes na sina Kobi, Chad at Ara. Sa tatlong anak, si Chad ang sumunod sa kanyang mga yapak bilang TV director ng ilang programa ng ABS-CBN. Unang nakilala si Chad Vidanes bilang TV director when he directed Donny Pangilinan and Belle Mariano’s successful TV series na He’s Into Her in 2021 na nagkaroon pa ng Season 2.

Show comments