Knowledge Channel, inilunsad ang Ecoplay Project

MANILA, Philippines — Bilang pagbibigay-importansya sa physical fitness at pagpapahalaga sa kultura ng mga larong Pinoy sa kabataan, inilunsad ng Knowledge Channel Foundation Inc. (KCFI) na EcoPlay nitong Oktubre 7 (Lunes) sa Marikina Elementary School.

Layunin ng EcoPlay na magsagawa ng mga Pinoy game activities sa mga mag-aaral mula Grade 4 hanggang 6 at palaganapin ang halaga ng sportsmanship values, fitness, at character building ng mga kabataan – alinsunod sa kanilang physical education (PE) curriculum.

Katuwang ng programa ang 68 na paaralan sa Marikina City, Quezon City, Taguig City, at Pateros.

Ito ang panibagong collaborative effort ng Know­ledge Channel Foundation at Breeze magmula noong unang inilunsad ang EcoProject na layong magturo ng aral patungkol sa pagpapahalaga sa kalikasan.

Ikinatuwa ng KCFI president at executive director na si Rina Lopez ang pakikipag-ugnayan nilang muli sa Breeze para sa kanilang adhikain sa kabataang Pinoy.

Aniya, importante rin para sa mga estudyante na matutunan ang kahalagahan ng Pinoy sportsmanship values sa kanilang holistic development.

Kasabay nito, magbibigay rin ng video lessons at play kits ang Knowledge Channel sa mga partner school nito para sa karagdagang kaalaman patungkol sa Pinoy sportsmanship values at fitness, pati magabayan sila sa kanilang mga EcoPlay activity.

Magsasagawa rin sila ng mini-Olympics kung saan ang iba’t ibang mag-aaral sa mga participating school ay magpapakitang-gilas ng kanilang mga abilidad. Ang mga magwawaging paaralan ay mag-uuwi ng Knowledge Channel TV package.

Show comments