Nagbabala si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa mga netizen sa pangha-harass daw sa @stylenotcom.
Pinatitigil niya ang mga tagahanga niya na patuloy na nagpapadala ng abusive messages dito at sinabing on good terms sila.
Nanawagan siyang gamitin ang platform ng mga ito sa mas positibo at meaningful na mga bagay.
Maaalala kasing nabuking daw diumano ang pagkuha ni Pia ng video ng creator ng nasabing account na si Beka Gvishiani sa fashion show ng Carolina Herrera na nasa front row. Nang ma-call out siya ay saka lamang niya ito nilagyan ng credits.
Hindi naman nagustuhan ng netizens ang paggamit ni Pia ng term na “netizens” dahil sana raw ay “fans” (niya) ang ginamit nito. Nadamay pa raw kasi ang mga hindi naman niya fans na netizens.
Habang ang ibang marites ay kinuwestyon kung good terms daw ba talaga si Pia at ang founder ng page dahil iniiwasan daw diumano ito ni Pia kaya raw ito nakasuot ng shades.
Dagdag pa nila ay hindi raw nito inamin ang pagkuha ng video at pa-victim daw ito.
Tuloy nga ang bardagulan ng fans at bashers niya.
Ganun. ‘Kakaloka sila. Bahala sila sa buhay nila.
Hahahaha. Charrsss.