^

Pang Movies

Nora, masusubukan kung may lakas pa

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Nora, masusubukan kung may lakas pa
Nora Aunor

At nag-file na nga pala ng COC si Nora Aunor at siya ay second nominee na naman ng isang bagong party-list. Hindi ito ang unang pagtatangka ni Nora na pumasok sa party-list system. Minsan na siyang nagtangka na kumandidato rin bilang gobernador ng Camarines Sur at siya ay natalo rin.

Pero siguro nga hindi pa handa si Nora sa pulitika noong araw. Baka hindi pa niya nako-consolidate talaga ang kanyang political force, na natural ang base ay ang kanyang fans din sa pelikula. Eh ngayon ngang national artist na siya, at sinasabing sikat siya at nanalo pang best actress in five continents, baka naman ngayon ay makalusot siya. Mayroon tayong overseas voting para sa mga OFW, at kung nanalo nga siya at kinikilala sa five continents dapat manalo na siya ngayon.

Ang pagpasok ni Nora sa pulitika ay magbibigay ng pagkakataon sa Noranians para patunayan ang sinasabi nilang marami pa sila.

Pero andyan pa nga ba sila?

Ngayon pagak na ang boses ni Nora kahit nagsasalita lang at malaki ang epekto niyan sa kanyang career. May isa pang napansin ang mga tao nang mag-file siya ng COC, una mabagal na nga raw kumilos si Nora at kailangan nang alalayan sa kanyang paglalakad, kung hindi kailangang naka-wheel chair na siya. Hirap na rin daw siyang magsalita at halata mong humihingal na. Pero matagal nang obserbasyon iyan eh, kahit na nga raw sa taping lagi na lang nakaupo si Nora. Tumatayo lang siya o itinatayo lang siya kung may kukunan nang eksena at maging sa pagsasalita ay hirap na siyang talaga.

Pero dapat huwag na munang pag-usapan kung kaya pa ba niya o hindi, dapat isipin na manalo muna siya at makapuwesto para mapatunayan ang lakas niya, at kung ano man ang problema at saka na ayusin later on.

Nanay ni Kathryn, mas mabait kay Alden

Nag-post pa si Min Bernardo, ang nanay ni Kathryn Bernardo, ng mga picture nilang kasama si Alden Richards. Katunayan iyan na pabor ang nanay ni Kathryn kay Alden, kung totoo ngang nanliligaw na siya sa aktres. Isipin ninyo, sinasabi ngang may isang mayor na nanliligaw rin kay Kathryn, at pogi rin naman si Mayor, pero mukhang mas pabor ang nanay niya kay Alden. Maski kay Daniel Padilla na labing isang taong syota ni Kathryn, hindi nagpakita ng ganyang pagpabor ang nanay niya.

Sana nga ligawan na ni Alden si Kathryn kung hindi pa sa ngayon, magmadali na siya at baka may makasingit pa sa kanya.

O baka baka naman para sa kanilang pelikula.

Poging aktor, selosa sa jowang bagets aktor

Totoo nga ba, split na ngayon ang mag-syotang dalawang poging aktor. Nagselos daw ang mas matanda dahil ang mas bagets na aktor ay sinasabing nakikipaglandian pa sa mga babae. May tsismis pang ang bagets na aktor ay nakipag-ONS din sa sinasabing “reyna ng one night stand.”

Iyon kasi talaga ang ayaw na ayaw ng mas matandang pogi, ganoon ang dahilan kung bakit niya iniwan ang poging model na syota niya noon. Iyon din ang dahilan kung bakit kinalasan niya ang isang singer.

Kinalasan din niya ang isang aktor na bagets din.

Gusto niyang kung makikipag-syota nga sa kanya ay sa kanya na lang dapat. Pero siguro mas sasama ang loob ng mas matured na aktor kung may malalaman siyang isang bagets na bading ang interesado rin sa boylet niya.

Sino sila, ang daling hulaan pero ang siste kasi ngayon ‘pag nagbigay ka ng obvious na clue babantaan ng demanda.

vuukle comment

NORA AUNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with