^

Pang Movies

James, balik-Kapamilya!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
James, balik-Kapamilya!
James Reid
STAR/File

Nag-trending kahapon ang pagbabalik ni James Reid sa ABS-CBN na tinawag niyang kanyang ‘home’ kung saan lumabas siya sa ASAP.

Ipinost ng ASAP ang mga litrato ng pagbabalik ng ex ni Nadine Lustre kung saan winelcome back siya na Road to ASAP 30 na.

Ni-repost naman ito ni James at sinabing “Just got home.”

Kaya naman buhay na buhay ulit ang mga tagahanga niya na matagal ding naghintay sa kanyang pagbabalik. Na-miss daw siya ng mga ito.

Na-appreciate naman ng fans ng boyfriend ni Issa Pressman na mabuti raw ay tanggap nitong hindi talaga nangyayari ang ibang plano at okay lamang na bumalik kung saan nagsimula.

May iba namang nag-nega dahil hindi nila makalimutan ang mga sinabi nito noon nang itayo niya ang kanyang Careless Music tungkol sa showbiz na hindi nagustuhan ng ibang fans.

Para raw itong isang prodigal son sa pagbabalik niya at mukhang kailangan daw uli nitong kumayod.

At ang bongga pa ng pa-grand welcome ng Kapamilya sa kanya.

Samantala, may ibang fan naman na umaasang magkakasama sila ni Kathryn Bernardo sa proyekto na hindi imposible ngayong Kapamilya na ulit siya.

vuukle comment

JAMES REID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with