Sandro, inabangan sa FF!

Sandro Muhlach

MANILA, Philippines — Ang dami ring natuwa nang napanood na sa telebisyon si Sandro Muhlach noong Huwebes sa Family Feud kasama ang iba pang Muhlach na sina Angela, Alexa at Aaron.

Nakalaban nila ang Eigenmann kids na sina Stevie, Sandro, Liam at Matti.

Nilinaw sa amin ng mga taga-Family Feud na nai-tape na raw nila ito noong bago pa mag-GMA Gala.

Kaya wala pa itong kontrobersya sa dalawang independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz.

Hindi nila ito ipinalabas nung kainitan nung isyu dahil parang napaka-insensitive nga naman ng dating.

Pero mukhang inabangan naman itong pag-apir ni Sandro dahil mataas naman ang rating nito.

Allen at Carmina, lilipad pa-Canada!

Mahigit isang linggo pa pala ang taping ng Abot-Kamay Na Pangarap na magtatapos na sa Oct. 19.

Sabi ni Allen Dizon na gumaganap bilang si Doc Carlos Benitez sa naturang afternoon drama, dire-diretso pa rin daw ang taping nila dahil ‘hand to mouth’ daw sila. Kung ano ang itinape nila ngayong araw, iere na agad ito kinabukasan.

Kaya hindi pa raw gaanong nagsi-sink in sa kanila na malapit na silang matapos. Medyo nagsenti lang daw ang buong cast nung nakaraang mediacon, kaya nagkaiyakan daw sila roon.

Pero para kay Allen Dizon, ang laki raw talaga ng nagawa ng Abot-Kamay Na Pangarap sa kanyang showbiz career.

Bukod sa naging close niya ang lahat ng co-stars niya, pati sa production staff, nabuo ang isang pelikulang pagsasamahan nila ni Carmina Villarroel. Pinamagatang All Right In Time na ididirek ni Louie Ignacio.

Kukunan pa ang kabuuan ng pelikula sa Toronto at Alberta, Canada.

Show comments