Ang buong akala ng marami ay balik-showbiz na si Vilma Santos pero hindi nito matanggihan ang mga taong patuloy na naniniwala sa kanyang kakayahan. Ngayon ay kasama niyang kakandidato ang anak na sina Luis at Ryan Christian.
Usong-uso rin sa Philippine politics ang palitan ng position among relatives.
Ang magkapatid na Nancy at Abby Binay ay magsu-switch ng position.
Magpapalit din ang mag-inang Sen. Cynthia Villar at Rep. Camille Villar sa senado. Last term na ni Sen. Cynthia bilang senador kaya papalit sa kanya si Rep. Camille sa puwesto at makakasama ng kanyang nakatatandang kapatid na si Sen. Mark Villar
Muling tatakbo sa pagka-kongresista ang director-film producer at politician na si Lino Cayetano na nabakante nang tumakbo pareho sa pagka-senador sina Sen. Pia Cayetano at Sen. Alan Peter Cayetano habang ang misis ni Sen. Alan Peter Cayetano ay bumalik sa pagiging alkalde ng Taguig City.
Ang dating magkaalyansang Isko Moreno at incumbent mayor na si Honey Lacuna ay magkakalaban sa darating na halalan.
Reelectionist si Mayor Honey Lacuna at ang kanyang vice mayor ngayon, ang actor-politician na si Yul Servo. Pero ang kapatid ni Yul na si Apple Nieto ay tatakbo sa pagka-kongresista sa isang distrito ng Maynila sa ilalim ng tiket ni Isko. Kaya hindi maiiwasan na hindi magkasakitan ang magkakamag-anak.
Ganundin ang iba pang celebrity na papasok na rin sa pulitika. Tatakbo si Paul ‘Bong’ Alvarez at Yeoj Marquez.
Ang aktres na si Abby Viduya ang siya namang papalit sa pagka-konsehal sa kanyang mister na si Jomari Yllana sa Parañaque.
Nag-file na rin ng kanyang kandidatura bilang konsehal ng ika-5th district ng Quezon City ang actor na si Enzo Pineda gayundin ang actor na si Marco Gumabao na tatakbo namang kinatawan ng isang distrito ng Camarines Sur.
Abangan natin ang magiging kapalaran nila sa 2025.