Ang lala ng fake news kay Kris Aquino at sa karelasyon nitong si Dr. Michael Padlan ng Makati Medical Center.
Pinagkakalat ng isang Facebook / website na ginagamit ang katulad na account ng isang malakas publication na ikakasal na si Kris at isang very private event daw ito.
Na mariing itinanggi siyempre ng malapit kay Kris.
Isang fake news daw ito.
Oo nga naman, priority ni Kris ang pagpapagaling sa kasalukuyan.
Mismong si Kris na rin ang sumagot sa nasabing fake news sa malapit sa kanyang si Dindo Balares na former editor ng Balita.
Aniya sa sagot kay Bro Dindo: “Kuya Dindo, the best answer to that fake news is how can your panganay who has adult onset asthma and has publicly admitted to having Chronic Spontaneous Urticaria and is currently undergoing treatment that makes her extra sensitive to direct sun exposure and as you yourself know sobrang allergic ako sa mga dahon ng puno (trigger ng allergic rhinitis and asthma for me) especially grass as in damuhan - does it make sense na pipili ako ng outdoor venue? Na punung-puno ng halaman? Hindi lang ako ang may asthma, si Bimb also has asthma.
“Kuya Dindo, kung totoong kilala ako nu’ng nag-scoop nito alam niya dapat ‘yung alam na alam mo -- hindi friend ng respiratory system ko ang mga puno at lalo na ang grass, kahit nga astroturf bawal because maraming alikabok na puwedeng ma-collect.”
Ayon na, end of story. Kaya ‘wag maging gullible sa mga nababasa sa social media.
Pero tandaan nila ha na ang pagpapakalat ng fake news ay isa nang krimen.
Ayon sa Article 154, paragraph 1 of the Revised Penal Code : “Any person who by means of printing, lithography, or any other means of publication shall publish or cause to be published as news any false news which may endanger the public order, or cause damage to the interest or credit of the State” shall be punished with the penalty of arresto mayor (imprisonment ranging from one month and one day to six months) and a fine ranging from P40,000 to P200,000.”
Vice, nr pa sa bagong sasakyang may theater sa loob
Hindi na gaanong nagpo-post sa Instagram si Vice Ganda kung saan meron siyang 11 million followers.
Hopia nga ang kanyang followers kung ipo-post niya ang bagong biling kotse raw, ang luxury car na Tesla, na diumano’y worth P17 million.
Ang chika, sa kanya nga raw ‘yun pero walang post ang host comedian na nasa concert tour sa America.
Saka kaya naman niya ang ganung halaga. Pero ang sabi naman sa Google, mga P8 million lang diumano ang 2024 Tesla Cybertruck.
Pero bongga ang hitsura nito, parang spaceship at may theater daw sa loob.
May kumalat kasing photos ni Vice na nakasakay sa Tesla.
Julia at Joshua, hindi pa natatanggal sa ibang sinehan
Palabas pa pala sa ibang sinehan ang pelikula Un/Happy For You nina Joshua Garcia and Julia Barretto.
Ito lang so far ang kumita ng ganun kalaki outside Metro Manila Film Festival (MMFF).
More than a month na since ipalabas ang nasabing pelikula na tumabo na sa takilya ng mahigit kalahating bilyon.
Ito lang nga ang Tagalog film na selected theaters.
Kaya naman iba na ang sistema ng mga pagpapalabas ng pelikula.
Hindi na lingguhan ang palit, daily na raw ‘yun.
Well, sa dalawang mall sa QC na pinasyalan ko, ganun daw ayon sa pinagtanungan ko.
Anyway, ano kayang susunod na pelikulang kikita?
Mataas ang expectation ng industriya sa pelikulang Hello, Love, Again nina Alden Richards at Kathryn Bernardo kaya tiyak na babantayan ito ngayon.
Habang ang iba namang mall ay wala nang palabas na Tagalog movie.
Regal, 3 years na sa Kapuso
Mas gustong tutukan ng Kapuso actor na si Juancho Triviño ang kanyang pamilya.
Ito ang rason kaya naman hinay-hinay lang siya sa trabaho.
Plano nila ng misis niyang si Joyce Pring na masanay ang dalawang anak na makisalamuha sa ibang kultura, sabi ni Juancho sa ginanap na presscon ng Regal Studio Presents na naka-tatlong taon na pala ang partnership sa GMA 7.
Recently nga ay nagbakasyon ang buong pamilya nila sa Australia.
Maraming umasang bubulusok ang career niya pagkatapos gampanan ang papel na Padre Salvi sa Maria Clara At Ibarra, pero biglang kambyo ito. Anyway, kasama nga si Juancho sa selebrasyon ng Regal Studio Presents na may anniversary episodes ngayong buong buwan ng Oktubre.
Pinaghandaan nila ang third-anniversary special kung saan mapapanood ang ilang most promising actors ng Sparkle GMA Artist Center and Regal Entertainment, bilang mga bida sa mga kuwento ng buhay, pagmamahal at pamilya.
Uumpisahan ang celebration ng episode na Stuck on You, a quirky romantic comedy that reunites exes Ellen (Faith Da Silva) and Omar (Jon Lucas) sa pamamagitan ng isang serye ng mga misadventure.
Susundan naman ito ng My Crazy Yandao, featuring Jasmine (Elijah Alejo) and Shaun (Raynold Tan), tungkol sa Singaporean guy na naniwalang si Jasmine ang nakilala niya online. Dahil sa nasabing misunderstanding, magkakaroon sila ng special connection habang magkasama sila sa probinsya.
Tiyak na aabangan din ang The Heartbreak Shop, isang unique story introducing Tintin (Kazel Kinouchi), a frequent visitor at a café designed to help people vent their heartaches. At nang makilala niya café’s owner na si Epoy (Prince Clemente), nagkaroon sila ng unexpected connection, and Tintin takes it upon herself to save the business—but her plans take a twist, testing her heart and how she views relationships.
Sa Pawfect Match, nagdesisyon si Mia (Althea Ablan) na mag-adopt ng dog from an animal shelter upang kahit paano ay makalimutan ang recent breakup niya. At dun niya makikilala si Alex (Will Ashley), the volunteer tasked to help her, leading to a pawfect match story.
Isa pang pwedeng abangang episode ang Remboy Dreamboy, na nakasentro kay Sheyn (Roxie Smith), a young woman who finds hope and joy in her daily interactions with Remboy (Prince Carlos), a delivery rider. Habang lumalalim ang kanilang koneksyon, nadiskubre nilang in love na pala sila sa isa’t isa sa hindi inaasahang pagkakataon.
Para kumpletuhin ang kanilang line-up, naghanda rin sila ng iba pa na mapanonood tuwing Linggo ng hapon.
Mula sa kuwento ng isang daughter who unfortunately lost both of her parents and ends up inheriting her family’s lechon business, bannered by Mikee Quintos, to a Romantic-Comedy episode about an angel who got her wings clipped through ‘Angel on My Shoulder’ headlined by Ashley Ortega and Rob Gomez. Viewers should not miss I Remember You, starring Arra San Agustin as Marby, a teacher looking for “the one” after being catfished in a long-distance relationship. While tutoring, she meets Kyle (Juancho Triviño), her student’s father and the real owner of the face used by her ex-boyfriend.
Umpisa nung 2021, nagbibigay na ang Regal Studio Presents ng inspiring and uplifting stories to Kapuso viewers every Sunday afternoon. At ang matagumpay nilang partnership ang naging daan upang makilala ang mga young and rising stars na ipakita ang husay nila sa pagganap.