Andrea nakonsensya, ayaw na ulit magpulitika

Andrea del Rosario.
STAR/ File

Hindi na ulit tumakbo si Andrea del Rosario sa Calatagan, Batangas noong natapos ang term nito as vice mayor from 2016 to 2019. Labis daw kasing naapektuhan ang kanyang anak na si Bea.

“I won, I tried to serve but alam naman natin na ang pagiging public servant, your priorities change. Your priority now are your constituents, second is your family. In my case, siyempre it was unfair for Bea for me to pursue further.”

Lagi raw niya iniiwan noon si Bea sa yaya kapag kailangan niyang harapin ang kanyang trabaho. Pakiramdam noon ni Andrea ay naging pabayang ina siya.

“I had to leave her behind in Manila. I had to leave her with the maids, I had to just hire a driver to take her anywhere. Medyo kinasama ko ng loob ‘yun. How can I be so selfish?” sey ni Andrea na tinanggihan ang maraming offers na bumalik sa mundo ng politics.

Dating Kapuso actor, mas inuna ang negosyo

Kaya pala biglang nawala sa showbiz ang very promising na Kapuso teen actor na si Ralph Noriega dahil nagtayo ito ng sarili niyang negosyo kasama ang kanyang girlfriend.

“Mas pinagkakaabalahan ko po ‘yung business namin ng girlfriend ko na Within The Box Woodworks & Design Co. We specialize in custom-made furnitures, cabinets, designs. Tapos I work with some brands din po on the side,” ayon sa 24-year-old actor-turned-businessman na isang vlogger na rin.

Noong magkaroon ng pandemic, naisip niya at ang magtayo ng sarili niyang business ang isa sa gusto niyang gawin.

Seventeen years old lang siya noong una siyang lumabas sa 2016 teleserye na Poor Señorita. Nasundan ito ng Someone To Watch Over Me, Meant To Be, Super Ma’am, Ika-5 Utos, Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday at ang huli niyang teleserye na Nagbabagang Luha noong 2021.

Hindi naman daw niya sinasara ang possibility na bumalik ulit siya sa showbiz.

Desperate Housewives, inalala ni Eva

Nag-celebrate ng 20th anniversary ang series na Desperate Housewives. Umere ito in 2004 at nagtapos in 2012 after 8 seasons.

Nag-post ng mensahe via Instagram ang isa sa bida ng show na si Eva Longoria.

“20 years of Desperate Housewives! I get so emotional thinking about how this show changed everything for me. So many memories, so many episodes (we used to film 24 episodes a season back then!), and so many iconic outfits. Everything I know about filmmaking and TV I learned on that show,” caption ni Eva sa pinost niyang photo with Marcia Cross, Brenda Strong, Teri Hatcher, Nicollette Sheridan and Felicity Huffman.

Show comments