MANILA, Philippines — Emosyonal si Heart Evangelista sa kanyang mini-vlog na ini-upload kahapon. As in tumutulo ang luha niya habang nasa background ang Eiffel Tower.
“Nagdarasal ako na sana okay lahat kasi nag-pictorial ako dati dito, iba ‘yung mga kasama ko,” aniya habang umiiyak.
“I’d rather be antsy and overthink that everybody is okay than not to care,” dagdag pa niya.
Kaya naman niyakap siya ng kanyang team na kasama niya sa pagrampa sa Paris Fashion Week na pinasalamatan siya.
Pero walang banggit kung sinong mga unang kasama ‘yun.
“For everything has a reason …:) trust that all is always for the best ♥? forever grateful♥?to be blessed by every single one of YOU #pfw #parisfashionweek,” sabi niya sa caption.
Nauna na niyang binanggit na since 2015 or 2016 ay nasa fashion na siya at aminado siyang kinarir niya ang narating sa kasalukuyan.
“So, hindi talaga siya shortcut. Hindi siya puwedeng dahil gusto mo siya, gagawin mo ‘yung whatever to get there. It will come, ‘di ba? It will come but it comes with time… time, effort, and just being happy about it, not trying to get ahead. Dapat happy lang,” aniya sa naunang mini vlog.
“Hindi mo naman kailangan maging top. Ako, never ko naging goal maging top. Siyempre, it feels good when you’re acknowledged but then that’s never the goal because once you’re on top, it’s hard to keep that spot,” dagdag niya bagama’t walang banggit kung ‘yun ba yung dati niyang glam team.
Anyway, ba’t ba ganun parang powerful na ngayon ang mga glam team? O stylist ba?
Heto ay may issue sa stylist ni Sofia Andres na dawit daw si Max Collins.
Dati staff lang sila, ngayon parang powerful na?
Maaalala ngang naging kontrobersyal ang paghihiwalay ni Heart at ng dati niyang glam team na ngayon ay nasa team na ni Pia Wurtzbach.
Kim Ji-Soo, mas bongga na ang career sa ‘Pinas
Mahal na ng Korean actor na si Kim ji-soo ang Pilipinas, na by the way ay bida sa pelikulang Mujigae.
Kahit daw lagi siyang pawisan, enjoy siya, na malayo naman talaga sa weather condition sa South Korea.
“I love here. The hot weather, I’m always sweat but I love it, the summer, the train, puno,” aniya sa ginanap na media conference ng Mujigae na kuwento ng isang five-year old na batang babae (na ginampanan ni Ryrie Sophia - Mini Miss U) na mapapagaling ang mga nasirang relasyon.
Honored si Kim na ginawa niya ang pelikulang ito ng Unitel Pictures na nagbabalik sa paggawa ng pelikula na mapapanood exclusively sa SM Cinemas starting Oct. 9.
“Actually, these days, it’s hard to do a film. It’s hard to find a film, especially in this genre, family drama. When you go to cinema, there’s always something like comedy and action. But it’s hard to watch the family drama. So, I thought it’s like a very unique movie. And also, it’s like the story of life with Korean guys. And I also watched a documentary about Filipinos. So, I was... Actually, it was kind of negative. So, I want to show them that it could be a positive way. So, I want to show that as a Korean. So, I’m going to do my best,” aniya na pinipilit mag-English.
Natuto na raw siyang mag-Tagalog, pero ilang salita pa lang.
Pero bilib siya na marunong mag-Korean ang batang kasama niya sa pelikula. Aniya “She is genius. She learned really fast. You know, her intonation is really like a Korean accent,” paghanga niya pa.
Ganundin ang sinabi niya sa iba niyang kasama sa pelikula tulad ni Alexa Ilacad. “It was an honor to be working with a famous star. She’s really kind and sweet. Even though she’s young, younger than me, she’s very mature. And she helped me get used to the set. So it was very fun, and we did TikTok together.
“Yes, TikTok video. So, it means we are friends. So it was fun. I like to work with everyone. Actually, they are always very welcoming to me because sometimes I don’t understand what they are saying, but they are always trying to translate and explain everything. Even if it’s hard, they always try to communicate with me. So, I was very thankful to everyone,” dagdag pa niya na hindi first time na nagkaroon ng Tagalog film.
Anyway, isang Filipino-made family drama na may Korean touch nga ang Mujigae (rainbow sa English).
Sinusundan ng pelikula ang kuwento ng isang masiglang limang taong gulang na ulila na nagngangalang Mujigae, na nakahanap ng isang ina sa kanyang nawalay na tiyahin, si Sunny, na ginagampanan ng Kapamilya actress na si Alexa Ilacad.
May participation naman dito ang Kapuso comedienne na si Rufa Mae Quinto sa pinakabagong handog ng pelikula ng UxS (Unitel x Straightshooters).
Sa direksyon ito ni Randolph Longjas at kasama rin sina Richard Quan, Kate Alejandrino, Donna Cariage, Cai Cortez, Roli Inocencio, Anna Luna, Lui Manansala, Peewee O’Hara among others.
Malou Choa-Fagar, bagong Presidente at CEO ng TAPE Inc.
Inanunsyo ng Television And Production Exponent Incorporated (TAPE, Inc.) ang pagbabalik ni Malou Choa-Fagar bilang presidente at CEO nito kasunod ng pagbabago ng korporasyon.
Nagpahayag ng suporta si Chairman Emeritus Romeo Jalosjos Sr. sa pagbabalik ni Ms. Choa-Fagar, na binibigyang-diin ang kanyang pangako sa kumpanya at sa hinaharap na pamumuno nito sa industriya.
Binanggit niya ang mga hamon na kinaharap ng TAPE noong wala siya ngunit pinagtibay ang kanyang dedikasyon sa organisasyon.