Binitawan na pala ng kanyang manager ang isang aktor dahil hindi sila magkasundo at idagdag pa na naging demanding ang aktor sa former manager. Ang feeling ng aktor, hindi ginagawa ng manager ang kanyang trabaho, hindi siya hinahanapan ng project sa network kung saan siya may kontrata.
Nagpaliwanag naman daw ang manager na kumikilos siya pero ayaw nitong maniwala. In fairness, hindi pa nagtatagal ang last project ng aktor at kahit guest lang siya sa series, maganda ang kanyang role at may impact sa viewers ang ginampanang karakter.
Sinabihan ng manager ang aktor na gumawa siya ng paraan para maging maingay online, maging active sa socmed. Balikan ang pagiging active sa TikTok at i-open sa lahat ang comment box ng kanyang Instagram.
Hayaan ang bashers dahil hindi sila mawawala. Kaya lang, takot o umiiwas yata ma-bash ang aktor at nananatiling naka-off ang comment box ng IG. Wala tuloy siyang engagement at tila nakalimutan na ng fans.
Na-insecure pa yata siya sa bagong talent ng former manager na isang project pa lang ang ginagawa, pinag-uusapan na. Para hindi na lang sila mag-away at manatiling magkaibigan kahit papaano, nag-decide ang manager na bitawan na ang pagma-manage sa kanya.
Kaya ngayon, solo kayod ang aktor. Siya na ang maghahanap ng kanyang project.
Max, dawit sa kontrobersya ni Sofia sa ex-stylist!
Uso talaga ang unfollow sa Instagram at kasama sa listahan sina Sofia Andres at Max Collins. Nauna pa yatang in-unfollow ni Sofia si Max at kung tama ang netizens dahil ito sa former stylist ni Sofia na si Max na ang client.
Actually, walang kinalaman si Max sa isyu nina Sofia at ng former stylist nito, kaya lang dahil si Max na ang inaayusan ng stylist, damay siya kahit papaano.
In fairness, ngayon lang nalaman na pina-follow ni Sofia si Max.
Pinuri ng netizens si Sofia dahil hindi nag-ingay sa pag-a-unfollow kay Max, basta ginawa na lang. Nagkataon na nalaman ng netizens.
Maine, pinatunayang relevant pa rin!
Sorry sa mga nagsasabing hindi na relevant si Maine Mendoza dahil relevant pa rin siya kahit sa Eat Bulaga na muna regular napapanood. Sunud-sunod pa rin ang endorsement nito at siya pa rin ang ambassador ng BingoPlus. Kaya lang sa launching ng Pinoy Drop Ball, ang bagong game offering ng BingoPlus, nag-hi at hello lang siya, konting tsikahan at nawala na.
Nasa labas kami ng ballroom ng Grand Hyatt Manila at kararating lang nang tawagin siya sa stage. Pagpasok namin ng ballroom, wala na siya.
Nakakatuwa nga dahil ang umbok ng tiyan niya ang pinag-interesan ng marami. Kung may umbok ang kanyang tiyan, ang ibig daw sabihin, buntis na siya. Kaso, flat pa rin ang tiyan nito, kaya fake news ang tsikang buntis siya.
Ang Pinoy Drop Ball ay kasama na sa DigiPlus popular lineup ng digital games kabilang ang Bingo, Tongits, at Perya Games. At ito ang first-ever live-streamed drop ball game in the Philippines, setting a new standard in digital carnival gaming.