MANILA, Philippines — Ang simple lang ng 18th birthday celebration ng daughter nina Manny and Jinkee Pacquiao na si Princess sa London.
Sa ini-upload ni Jinkee ay nasa isang resto lang sila habang nag-blow ng candle si Princess. Kasama nila ang trusted friend nila Jinkee na si Bernard Cloma.
“Happy 18th Birthday @mpacquiaoo. We love you so much!?” caption ng misis ng Pambansang Kamao na inihatid ang anak sa London dahil doon na ito mag-aaral ng kolehiyo.
Pero today raw ang balik ng Pilipinas nina Manny at Jinkee dahil sasamahan pa nila ang anak na si Michael na mag-file ng COC (certificate of candidacy) dahil kakandidato itong councilor sa General Santos.
Sa Amerika na nakatira ang eldest ng mag-asawa na si Jimuel (Emmanuel Pacquiao Jr.)
Nakatakda na rin daw mag-file ng COC ang Pambansang Kamao na nagpa-planong bumalik sa senado.