Mas umayos ang mukha ng newbie actor na ito dahil sa pagpaparetoke ng ilong.
Hindi na raw mukhang may naaamoy na mabaho ang facial expression niya dahil binago ang hugis ng ilong niya. Bumagay naman daw ang bagong tabas niyang ilong sa mukha niya.
‘Yun nga lang ay hindi raw siya nakilala ng mga dati niyang nakasama sa isang teleserye. Kailangan pa raw niyang magpakilala dahil malaki ang pinagbago ng hitsura niya.
Masyado rin naging conscious ang newbie actor sa hitsura niya. Panay ang check niya sa salamin sa ilong kaya mas lalo raw ito hindi makaarte ng maayos.
“Mabuti pa nga raw noong hindi pa siya nagpaparetoke ng ilong, may character ang mukha niya. Hindi siya hirap magpakita ng emotions. Sa bagong ilong niya, naging conscious siya. Kaya yung direktor nila, imbiyerna na sa kanya. Wala raw emosyon sa pag-deliver niya ng dialogue,” sey ng source.
Pinagbawalan din si newbie actor na maglaro ng anumang contact sports dahil baka matamaan ang ilong nito.
Kaya panay na lang post ni newbie actor ng sexy photos sa social media. ‘Yun lang daw ang kaya niyang gawin sa ngayon para protektado ang ilong niya.
Carlos Yulo, ipinagtanggol sa crop top
Pinagpiyestahan ng bashers ni Carlos Yulo ang pagsuot nito ng crop top habang nagbabakasyon sa Seoul, South Korea. Impluwensya raw ito ng girlfriend niyang si Chloe kaya pati damit na pambabae ay sinusuot na raw nito.
Pero pinagtanggol ang double Olympic Gold medalists ng maraming netizens dahil wala raw masama sa pagsuot ng crop top dahil nagawa raw i-break ni Yulo ang tinatawag na “toxic masculinity” sa society natin.
Noong ‘70s and ‘80s pa raw nauso ang crop top at tawag dito noon ay “hanging shirt” na pati mga lalake ay sinusuot ito sa gym tulad ng Hollywood actors na sina Sylvester Stallone, Arnold Schwarzenegger, John Travolta, Jean-Claude Van Damme, at Zac Efron.
Naging unisex fashion statement sa Pilipinas ang crop top at pinost ng netizens ang mga local actors na nagsuot nito tulad nila Aga Muhlach, William Martinez, JC Bonnin, Ruru Madrid, Kristoffer Martin, at ibang kilalang basketball players.
Ariana, inamin na ang relasyon kay Ethan
Nagsalita na si Ariana Grande tungkol sa relationship niya sa Wicked co-star na si Ethan Slater. Taong 2023 sila nagkakilala sa set ng musical at kaka-divorce lang ng singer at may asawa naman si Slater.
“I went through a lot of life changes during the filming of this movie. We were away for two years. I understand why it was a field day for the tabloids to sort of create something that paid their bills. Many people believe the worst version of it,” sey ni Grande.
Sinisisi nga si Grande sa pagkasira ng magandang marriage ni Slater.
“These tabloids have been trying to destroy me since I was 19 years old. But you know what? I’m 31 years old and I’m not a perfect person, but I am definitely deeply good, and I’m proud of who I’m becoming. I will never let disreputable evil tabloids ruin my life,” diin pa ni Ariana.