Usap-usap sa LGBTQ community ang pagiging “dakila” ng TV hunk na ito, kaya wala raw magkasya sa kanyang underwear noong sumalang ito sa isang live show kamakailan.
Nasa studio na raw si TV hunk noong kailangan na niyang gumamit ng kubeta. Ang nangyari ay narumihan niya ang suot niyang underwear at wala siyang dalang pamalit.
Nag-offer naman ang kasabay niyang mag-guest na aktor na ipagamit ang dala niyang bagong biling underwear. Pero noong isuot na ni TV hunk, sobrang sikip at hindi kayang maitago ang kanyang pagiging daks.
“Nakasilip daw ang ulo ng bata! Kahit na pareho ang laki ng katawan ng dalawa, magkaiba naman sila pagdating sa sukat ni Jun-Jun. Pilit daw na tinatago ni TV hunk pero nasasakal daw ito. Biro tuloy kay TV hunk, ‘Grabe! Ano ba pinapakain mo dyan?!’” kuwento ng source.
Dahil kapos na sa oras at hindi na makakabili ng tamang sukat na underwear, nagdesisyon ang TV hunk “to go commando” o wala na lang siyang suot na underwear. Kaya noong lumabas na sa set, kabadung-kabado ito dahil wala siyang suot na salawal at kailangan pa nilang maglaro ng games.
“Wala naman siyang choice, ‘di ba? Wala siyang dalang extra salawal kaya kumakale-kalembang si Jun-Jun sa loob ng pantalon niya habang tumatakbo at tumatalon siya!” tawa pa ng source.
Brent, nakarating na sa peta!
Nagbunga ang mahusay na pagganap ni Brent Valdez sa teleserye na Widows’ War. Ngayon ay kasama siya sa cast ng One More Chance, The Musical ng PETA.
Nag-debut siya bilang si Kenneth na ginampanan ni James Blanco sa 2007 movie version.
“Sobrang fulfilling. After months of training, preparation, maraming emotions ‘yung kinailangang paghandaan para dito sa musical na ito. May times na tinatanong ko ‘yung sarili ko, ‘Kaya ko pa ba ‘to?’ But, I’m grateful to everyone for the love and support,” sey ni Brent na produkto ng isang singing competition.
Ang gumaganap na Popoy at Basha sa naturang musical ay sina Sam Concepcion at Anna Luna. Tatakbo ito until Oct. 27 sa PETA Theater Center, New Manila, Quezon City.
Country music icon kris kristofferson, tahimik na namaalam kasama ang pamilya
Pumanaw sa edad na 88 ang country music icon and Hollywood film and TV actor na si Kris Kristofferson. Tahimik itong namaalam sa kanyang pamilya sa Maui, Hawaii noong Sept. 28.
Pinasikat niya ang mga sinulat niyang country songs tulad ng Why Me, Highwayman, Bobby McGee at For The Good Time. Naging wife niya ang singer na si Rita Coolidge in 1960 at nag-divorce sila in 1969.
Naging leading man siya ni Barbra Streisand sa pelikulang A Star is Born in 1976. Ginawa rin niya ang mga pelikulang Alice Doesn’t Live Here Anymore, Heaven’s Gate, Lone Star at ang Blade film trilogy.
In 2004, Kris was inducted into the Country Music Hall of Fame.