Rampa ni Pia, kinontra ng trans model!
Ano ba naman iyan, ipinagyayabang ng kampo ni Pia Wurtzbach na siya ang kauna-unahang Pinay na nagmodelo sa Paris para sa L’Oréal pero hindi pala. May isang Filipino-American transgender ang nagsabing hindi si Pia kundi siya ang unang Pilipino na nakatapak sa rampa ng L’Oréal sa Paris France, siya si Leyna Bloom na nagsabing ang kanyang angkan ay mula sa Cagayan de Oro.
Pareho naman silang hindi purong Pilipino. Hindi nga Pilipino ang apelyidong Bloom, eh iyong Wurtzbach ba Pinoy?
Pinatunayan ni Bloom sa pamamagitan ng pictures at video ng kanyang paglakad sa rampa ng L’Oreal noong 2021 pa, si Pia ngayon lang 2024 sumalta.
LENI, ISUSUBOK SA OSCARS!
May announcement na ang Film Development Council of the Philippines, ang documentary na And So It Begins (FDCP) ang napili para ilaban ng Pilipinas sa Oscars sa kanilang Best International Feature Film, na dati nilang tinatawag na best foreign language film.
Halos taun-taon ay nagpapadala tayo ng pelikula diyan sa Oscars, parang hindi tayo nawawalan ng pag-asa pero sa loob ng mga panahong iyon, wala pa isa mang pelikula na nakapasok sa competition.
Ibig sabihin na-review nila pero hindi napili sa hanay ng mga maaaring bigyan ng award. Masyado kasing mahigpit ang labanan sa Oscars, hindi lamang ganda ng pelikula ang pinag-uusapan diyan. Ang mas malaking bagay ay makagagawa ba ng promotion ang producer ng pelikula doon mismo sa US para ma-consider man lang ang pinadala nila?
Malaking gastos iyan, iyon lamang kumuha ng isang PR firm na magha-handle ng promo mo, malaking gastos na, para lang mapansin.
Hindi ba isa iyan sa malalaking reklamo nila kay Liza Diño noong siya pa ang namumuno ng FDCP, ang laki-laki raw ng mga gastos sa parties na hino-host nila noon sa Cannes. Pero kailangang gawin iyon para makatawag ng pansin.
Tanggapin na natin, hindi natin kayang lumaban dahil halos barya lang sa kanila ang production budget ng ating mga pelikula.
Magagaling ang mga artista natin, sila ang sikapin nating makakuha ng foreign assignment para magkaroon sila ng trabaho at karanasan sa paggawa ng mga totoong international movie.
Ate Vi, tututukan ang film restoration
Tama ang sinasabi ni Vilma Santos. Ang kailangang pagtuunan ng pansin ay ang restoration ng mga klasikong pelikulang Pilipino.
Hindi naman pelikula lang niya. Ang sinasabi niya ay ang iba pang mga pelikulang klasiko, na may nakukuha pang kopya.
Ang restoration ay nasimulan na ng ABS-CBN.
Dapat na pumasok ang government-private partnership. Pagtulungan ng gobyerno at ng mga malalaking kumpanya na may institutional budget na mai-restore ang mga pelikula.
Iyan ang sinasabi ni Ate Vi na susunod niyang advocacy. Pagkatapos niyang mapabalik ang mga tao sa panonood ng sine.
Kasalukuyang nagagamit ng MMDA ang restored copies ng ibang classic films, ipinalalabas sa mga sinehan sa halagang singkuwenta pesos.
Hintayin natin kung ano ang mangyayari basta si Ate Vi na ang kumilos.
BL actor na bading, kumita ng P10K sa big night
Totoo ba ang tsismis na nasagap namin. Isang male star na aktibong lumalabas sa mga BL series ng sinasabing nag-perform sa big night ng isang gay bar sa Angeles City?
Ewan kung bakit naman siya nasa Angeles, basta nabalitaan daw ng manager ng gay bar na naroroon siya, inalok na maging “guest” at “main attraction” sa kanilang big night. Tatlong sayaw lang naman daw at inalok siya ng P10K, pumayag ang male star.
Siyempre nagsayaw siya na ang suot lamang ay underwear. Kumita naman daw ang gay bar dahil ang entrance ng mga bakla P500 bawat isa. Eh pogi naman talaga ang male star, iyon nga lang hindi nila alam, bading din iyon. At ang tsismis pa, payag din daw iyon sa hubarang all the way, pero ang hinihingi P50K.
- Latest