Priscilla, nagsisi sa pagpapakasal kay John?!

Priscilla

Nagsalita ang dating beauty queen na si Priscilla Meirelles tungkol sa mga natutunan niya sa pinagdaanan niyang pagsubok sa pagsasama nila ng mister na si John Estrada.

Sa interview niya sa vlog ni Luis Manzano ay marami raw siyang realizations at natutunan sa nangyari sa buhay niya.

“Family is everything” daw ang unang-una sa natutunan niya lalo na noong pandemya at naramdaman niya ang suporta ng pamilya niya noong dumaraan sa pagsubok ang pagsasama nila.

Nalaman din niya ang importansya ng paglalim ng pananampalataya sa Panginoon at pagpraktis ng self-love.

Maaalala ngang nagkaroon ng intriga sa kanila ng mister kung saan umamin silang hiwalay at sinabi niyang hindi mutual agreement ang hiwalayan nila.

Nang tanungin siya kung ano ang gusto niyang baguhin kung may pagkakataon lamang siya ay ito raw ay sana naghintay muna siya bago magpakasal pero hindi raw niya ito pinagsisisihan. Mas pipiliin lang daw sana niyang hindi magpakasal nang maaga sa edad niya dahil nalimitahan daw ang mga ginagawa niya noon. Natigil ang ilan sa mga ginagawa niya dahil kinailangan na niyang tutukan ang kanyang pamilya at anak.

Tanggap daw niyang napigilan siya nito sa pag-abot ng mga pangarap niya pero diniin niyang hindi niyang pinagsisihan na meron siyang magandang pamilya at anak na si Anechka.

Positibo naman daw siya sa kanyang kinabukasan at plano niyang bumalik sa showbiz sa susunod na taon. Mukhang ngayon pa nga lang pinaghahandaan na niya ito at lutang na agad ang kaseksihan niya sa post niya kung saan abala siya sa pag-workout. Bongga.

Show comments