Ginagawang Quiapo ang Amerika para sa mister...

Si Lovi Poe na yata ngayon ang babaeng walang pahinga dahil talagang dyina-juggle niya ang oras niya sa kanyang career at pagi­ging maybahay ng French husband niyang si Monty Blencowe na naka-base sa America.

Bilang nandito nga ang kanyang showbiz career at si Monty naman ay nasa US, kesehodang gawing Quiapo na lang ni Lovi ang Amerika just to be with her husband.

Ngayon ay naririto sa bansa si Lovi para sa promo ng pelikula niyang Guilty Pleasure with Jameson Blake and JM de Guzman. Ipapalabas na ito sa mga sinehan ngayong Oct. 16.

Sobrang excited nga si Lovi sa pelikula dahil for one, first venture niya ito into movie production under her new film outfit, C’est Lovi Productions at co-producer pa niya ang Regal Films na mahal na mahal din niya.

Pangalawa, sobrang nagustuhan niya ang materyal ng Guilty Pleasure dahil kakaiba raw ito sa ibang pelikula na napapanood natin.

“It’s not the usual film that we would see, na parang the same concept, the same story,” ani Lovi sa pocket presscon niya na ginanap kahapon.

“’Eto talaga, I would say, would spark a conversation and would raise awareness about something that needs to be talked about,” dagdag ng aktres.

Pagkatapos nito ay may isa pang pelikulang nakatakdang gawin si Lovi sa Regal Films.

When asked kung paano niya nabibigyan ng time ang asawa, aniya, she’s really trying her very best kahit mahirap.

“It’s really hard, to be honest. Struggle talaga siya to balance life and work. And I’m just so grateful that my husband is so understanding and knows that work for me brings me joy.

“Hindi naman kasi siya parang pumupunta lang ako ng work because I have to. I’m happy working. I’m a workaholic and I enjoy it so much. I love being on set. And I’m glad that he’s very understanding and he knows that if I have to go, I go to set,”  aniya.

“I try my best to balance it out. Kaya naman, eh. Pagod lang talaga,” dagdag niya.

Pero inamin din naman ng aktres na talagang lagi nilang pinag-uusapan ng mister ang time and distance na nakapagitan sa kanila.

“Hindi mo maiiwasan na maging conversation siya. Of course, I will not lie. Hindi naman siya away but it’s always part of the conversation,” she said.

Siyempre, kahit mahal daw niya ang kanyang career, gusto rin niyang mag-work ang kanilang marriage kaya kahit mahirap, mina-manage raw niya talaga nang bonggang-bongga ang kanyang time.

Sa sobrang hectic ng schedule ni Lovi, ang pagi­ging mom ay something na hindi pa raw siya ready sa ngayon. Pero kung ibibigay naman daw sa kanila ni Lord ay buong puso niya itong iwe-welcome.

Lagot kay Maris... newbie Pinay-British singer/actress, interesado kay Anthony!

Balik-Pilipinas din ang newbie singer/actress na just like Lovi ay talent din ng LVD Management na si Geraldine Jennings para naman sa promo ng debut film niyang Isla Babuyan at sa latest single din niyang If I Will Ever Love Again.

Si Geraldine ay isang half Irish-Bristish and half-Filipina dahil ang ama niya ay isang Northern Irish/British at ang ina niya ay isang Pilipina na si Gina Jennings. Dito siya ipina­nganak sa Pinas but moved to UK in 2009.

Dahil nga naka-base siya sa UK at nandito naman ang kanyang showBiz career, pabalik-balik din sa Pinas ang newbie singer/actress.

Masaya nga ang dalaga na finally ay maipalalabas na sa sinehan ang Isla Babuyan dahil ito raw ang passion project ng yumaong manager niya na si Leo V. Dominguez.

“I’m really grateful and at the same time, I’m really sad that tito Leo Dominguez was not able to be here to watch it to see the launch because it was his last project before he passed away, and of course, his passion project.

“So, I’m happy but I’m also sad and a bit nostalgic,” sabi ni Geraldine sa mediacon niya last Thursday.

Kahit wala na nga ang kanyang manager ay desidido pa rin ang Pinay-British na ituloy ang kanyang career na nasimulan sa Pinas. Given the chance ay gusto nga raw niyang makatrabaho ang ka-loveteam ni Maris Racal na si Anthony Jennings dahil kaapelyido niya ito.

“So, it would be nice to play his brother or something like that.   

  Hindi kami related but yeah, it would be nice,” aniya.

“And half-British din siya, half-British din ako,” dagdag pa niya.

Biniro nga siya na may Maris na si Anthony at aniya, hindi naman daw sila magiging love team.

Hindi pa raw niya kilala si Anthony at narinig lang niya na pareho nga sila ng surname. Pwede nga raw related sila since pareho silang half-British.

As a singer naman ay gusto raw niyang maka-collaborate si Darren Espanto.

 

Show comments