Heart, pinakita ang ginagawa tuwing braless!

Heart

Makakakuha ng tip kay Heart Evangelista ang mga celebrity na dumadalo sa mga fashion week o mga event na see through ang suot. Ang ginagawa pala niya kapag hindi siya puwedeng magsuot ng bra at see through nga ang isusuot, nilalagyan ng foundation ang kanyang nipple.

Para raw walang color na makita at tama nga naman siya, super see through ang suot na gown at kita ang nipple minus the color. Ipinakita rin niya ang likod ng suot na gown at sinabing hindi siya puwedeng magsuot ng bra.

Dahil pala sa sunud-sunod na shows (19 shows), wala na siyang oras bumalik sa hotel to change, sa car na lang siya nagbibihis at nag-aayos.

Sa isang post niya, nagkatuwaan sila ng kanyang glam team by singing. English at OPM songs ang binanatan nila ng kanyang glam team. Carpool karaoke ang ginawa nila at nag-request si Heart ng song ng Aegis. Nang kantahin ang Halik, binanggit nito ang asawang si Senate President Chiz Escudero na miss na raw niya.

Kinanta rin nila ang Di Ko Kayang Tanggapin ni April Boy Regino na ikinatuwa ng fans ni Heart, pati raw ‘yun alam niya. Sabi ng fans, ang pagkanta pala ang pang-alis ng stress niya kapag nasa fashion week.

Sarah, sinulot ni Kyline?!

Tama ang mga Marites, may kinalaman sa New York Fashion Week ang isa sa mga rason sa pag-unfollow ni Sarah Lahbati kay Kyline Alcantara. Ang narinig namin, si Sarah ang unang nakakilala at naging friend ng designer na si Chris Nick at si Sarah ang nagpakilala kay Kyline kay Chris.

Kaya lang, si Kyline ang dinala ng designer sa New York at pinarampa nang i-present ang kanyang collection.

May kulang sa kuwento, gaya kung nag-away ba sila bago ang unfollow o hindi na lang sila nagpansinan at hindi na rin nag-usap. May mga nanghina­yang sa kanilang friendship lalo na at naging close sila at magkapatid ang turingan. Kaya lang, may mga bagay at pagkakataon na nasisira ang friendship.

Anyway, side ni Kyline ang nakuha naming version. Maganda kung makuha rin natin ang side ni Sarah para fair.

Yassi, gumanti kay Nadine?!

Ayun, nag-unfollow na rin si Yassi Pressman kay Nadine Lustre sa Instagram ng huli, ito ay pagkatapos i-unfollow ni Nadine sina Yassi, kapatid nitong si Issa Pressman at si James Reid.

Sabi siguro ni Yassi, alangan namang si Nadine lang ang mag-a-unfollow sa kanya, kaya ginawa rin ang ginawa nito. In fairness, nauna si Nadine na mag-unfollow at sumunod lang si Yassi.

Show comments