Ex ni KC na Fil-Swiss, may bagong GF kaagad?!

KC

Pinagtalunan ng fans kung sino raw ang babaeng kasama ni Mike Wuthrich, na sinasabing ex na ni KC Concepcion.

Nag-post ng isang video si Mike nang pumunta siya sa isang event ng isang brand ng luxury watch.

Mapapansin sa video ang kamay ng isang babae na naka-red na nail polish na kasama niya sa buong event.

Kaya naman pinagtalunan ito ng netizens at pahulaan kung ang anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion nga ba ang kasama nito at kung nagkabalikan nga ba sila.

Kinumpara agad nila ang kamay ni KC at ng babae sa video at sinabing mas mataba ang kamay ni KC kung ikukumpara roon.

Pero mas maganda raw ang kamay niya at maputi kesa sa babae na hinuhulaang ipinalit sa kanya ng kanyang diumano’y ex.

Ang bilis daw ng pagkakaroon niya ng bagong karelasyon at mukha raw pinagsabay pa ang anak ni Shawie at bagong diumano’y girlfriend nito.

Hindi ito nagustuhan ng mga tagahanga ni KC at tinawag pang social climber ang Filipino-Swiss.

Mabuti na lamang daw at hiwalay na sila dahil good riddance raw ito.

Malabo rin daw na si KC ang kasama niya dahil base sa reflection ay maliit ang body built ng babae.

Maaalalang ilang buwan ang nakalipas mula nang mag-unfollow sila sa isa’t isa. Abala nga ngayon si KC sa kanyang fitness routine at pansin na agad ng fans niya ang malaking ipinayat niya.

Show comments