Nadine, in-unfollow sina James at Issa!

Nadine

Hot topic ngayon sa social media ang pag-unfollow ni Nadine Lustre sa magdyowang James Reid at Issa Pressman sa Instagram.

Ang mga matatalas ang matang netizens ang unang nakapuna nito at ikinalat na sa socmed with matching resibo.

Tsinek din namin mismo kung totoo nga ang tsika at nakita nga namin na wala na sina James at Issa sa list of following nito.

Tiningnan naman namin ang account ng showbiz couple and saw na pina-follow pa rin nila si Nadine.

Marami ngayon ang nagtataka kung bakit biglang nag-unfollow si Nadine gayung kasasabi lang ni James  sa panayam niya kay Ogie Diaz recently na okay naman sila ng dating ka-loveteam at ex-girlfriend.

Ang nakikita lang naming pwede maging dahilan ay baka na-offend si Nadine sa sagot ni James nang tanungin siya ni Ogie kung magbabalik na rin ang JaDine loveteam ngayong balik na siya sa pag-arte.

“I don’t think that’s happening,” ang sagot ni James.

Pero may paliwanag naman ang ex-boyfriend ni Nadine kung bakit.

“Out of respect for my girlfriend, Issa, I don’t think I’d ever do another love team. I think, a lot of the audience can tell reality from showbiz when it comes to love team,” sey ni James.

“So, you know, I have respect for her. I don’t think I’d ever do that again. But acting, definitely,” saad pa niya.

Ipinagtanggol din ni James si Issa sa bashings ng JaDine fans sa kanyang girlfriend at nilinaw na hindi nang-agaw ng boyfriend dahil after Nadine ay may naging GF pa siya.

May kinalaman kaya sa mga naging pahayag na ito ni James ang pag-unfollow niya sa kanyang ex at sa current girlfriend nito?

Samantala, sari-sari naman ang reaksyon ng kanilang fans sa pag-unfollow ni Nadine sa dalawa.

Boy, ‘di naghahabol ng interview kay Carlos!

Sinagot ni King of Talk Boy Abunda ang pagtataka ng marami kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa niya nakakapanayam ang 2-time Olympic gold medalist Carlos Yulo.

Halos lahat nga naman ng talk show host ay nagkakandarapa na mai-guest si Carlos sa kanilang programa si Kuya Boy na lang yata ang hindi pa nakaka-interview.

Sa isang panayam ng GMA kamakailan, ayon kay Kuya Boy ay sinubukan ng kanyang team na imbitahan si Carlos para makapanayam sa Fast Talk pero hindi ito nangyari dahil sa conflict sa schedule.

Kaya naman ayaw raw munang pilitin pa ng TV host na himayin or iprisinta ang mga kontrobersiyang kinasasangkutan ni Carlos.

“Napakahirap kasi kulang ako sa detalye. What we know is what we read. How much of that is really real? May mga reaksiyon tayo kasi nababantayan ko rin like all of you.

“Napapanood ko rin, lalo na ‘yung umpisa – nag-post ang nanay ng ‘Mabuhay ang Japan,’ sumagot ang anak with Chloe in bed – lahat ‘yan nakita ko. ‘Yung mga sagutan, hindi ko na alam kung ano ‘yung totoo at kung ano ‘yung hindi.

“Sa parada, nandu’n ang tatay hanggang nag-change of heart na ang father, nag-iba na ang tono. So, katulad ng marami, I wanna know the truth, ‘di ba? It’s so hard to judge kasi limitado ‘yung aking facts,” paliwanag ni Kuya Boy.

Hindi rin daw totoo na baka maging biased siya sa issue ni Carlo at ina nito since maka-nanay siya.

Show comments