Pamilya Sagrado, tinapos na ang taping?!

Kaloka. Kaliwa’t kanan na pasabog ang tinutukan ng mga manonood sa mas umiigting na mga rebelasyon sa kontro­bersyal na buhay ni Rafael (Piolo Pascual) sa ABS-CBN teleseryeng Pamilya Sagrado ngayong linggo.

Nagkaroon ng major plot twist sa serye matapos bumitiw bilang presidente si Rafael at inaming inosente si Moises (Kyle Echarri) sa mga krimeng binibintang sa kanya. Pero hindi pa pala makakamit ni Rafael ang tinatamasan niyang mapayapang buhay dahil nalaman niyang bago patayin si Cristine (Bela Padilla), ang kabit niya noon na labis niyang minahal, ay nanganak ito ilang buwan bago ang krimen.

Dahil sa kaso ni Cristine, maaaring maging daan ito sa pagdiskubre ni Rafael sa katotohanang magbabago ng kanyang buhay - na si Moises pala ang anak niya kay Cristine.

Magdudulot naman ito ng mas malaking sigalot sa pamilya Sagrado dahil titindi ang selos ni Justin (Grae Fernandez) kay Moises at magiging marahas si Jaime (Tirso Cruz III) laban kay Rafael para mapanatili ang kanyang kapangyarihan sa politika.

Paano tatanggapin nina Rafael at Moises ang tunay nilang ugnayan?

May mga makapigil-hiningang rebelasyon sa Pamilya Sagrado gabi-gabi ng 9:30 PM sa Kapa­milya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, at TFC.

Pero totoo bang tapos nang mag-taping ang mga artista ng PS?

Bagama’t matagal pa raw itong mapapanood ha.

Bongga. Pwede namang ganun, nag-ipon sila ng mga episode.

Show comments