^

Pang Movies

Diego Gutierrez nakagawa ng kanta habang heart broken, nagsalita sa relasyon nina Janine at Echo

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Diego Gutierrez nakagawa ng kanta habang heart broken, nagsalita sa relasyon nina Janine at Echo
Diego Gutierrez

Dahil sa pinagdaanang break-up with his non-showbiz girlfriend a year ago ay nakagawa ng kanta si Diego ­Gutierrez, ang Huling Sayaw na nakatakda nang i-release ngayong Oktubre.

Humarap ang younger brother ni Janine Gutierrez sa pocket interview kahapon para sa promo ng kanyang bagong single at dito nga niya inamin na nabuo ang kanta because of the break-up.

“’Huling Kanta’ is about the dying stages of the relationship. It’s the first song I wrote after the break-up,” sey ni Diego.

Dahil nga isang taon na rin ang nakakaraan ay naka-move on na si Diego at okay na sa kanyang pag-usapan ito. Aniya ay 7 years din ang kanilang naging relasyon sa non-showbiz GF.

Nang matanong ang dahilan ng break-up, sey ng singer/songwriter, “I guess, different timelines lang kami. Parang no hard feelings naman at all. It’s all love at the end of the day.”

Dagdag pa niya, at that time ay ‘yun daw siguro ang best para sa kanila.

Bagama’t malungkot ang kanta, ayon kay Diego ay hindi na raw siya sad ngayon. “I’m in a better place right now,” he said.

Kwento pa niya, nang unang iparinig daw niya sa mommy niya (Lotlot de Leon) at sa ate Janine niya ang song ay naiyak daw ang mga ito.

And speaking of Janine, natanong din si Diego kung ano ang masasabi niya sa pagkaka-link ng ate niya kay Jericho Rosales. “Ako naman eversince, kung sa’n lang masaya ang mga kapatid ko, ang family ko, lalo na si Ate Janine, then do’n din ako masaya. And nakikita ko naman talaga na masaya siya now,” sabi pa ni Diego.

Na-meet na raw niya si Echo at komento niya sa aktor, “I think he’s a good guy.”

Samantala, ngayong Oct. 2 na ire-release ang Huling Sayaw single ni Diego sa mga music streaming apps at kasunod naman nito ay mapapanood na rin ang music video sa YouTube.

Kim, naiyak nang banggitin si Deo

Naging emosyonal si Kim Chiu nang tanggapin niya ang kanyang Outstanding Asian Star Award sa Seoul International Drama Awards 2024 o SDA last Wednesday, Sept 25.

Ipinost ng ABS-CBN ang video ng acceptance speech ni Kimmy kung saan ay pinasalamatan niya ang mga taong nakatulong sa kanyang career.

Pinasalamatan niya ang ABS-CBN, ang kanyang Star Magic family headed by Laurenti Dyogi na kasama rim niya sa Seoul, ang team Linlang at ang Dreamscape Entertainment, and of course, ang kanyang ever-supportive fans.

Siyempre ay hindi nakalimuta ni Chinita Princess na pasalamatan ang pumanaw na head ng Dreamscape na si Deo Endrinal. Inalay niya ang kanyang award sa dating boss at dito na nagsimulang mabasag ang kanyang boses at tuluyan nang mapaiyak.

 “Lastly, I want to dedicate this honor to the person who is no longer with us, my boss, my mentor, and a dear friend, Sir Deo,” aniya.

Patuloy pa ni Kimmy si Sir Deo raw ang siyang nag-guide sa kanya at nagturo to be the best that she can be.

“Sir Deo, I want to honor this award with you. I wouldn’t be standing here tonight without your trust and guidance and the opportunities you gave me,” mensahe ni Kim sa pumanaw na executive.

vuukle comment

DIEGO GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with