^

Pang Movies

Kobe at Kyline, nang-eklay?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Kobe at Kyline, nang-eklay?!
Kobe Paras at Kyline Alcantara

Noong isang gabi, may lumabas na ‘big reveal’ diumano na gagawin sina Kobe Paras at Kyline Alcantara.

Ang tanungan nga ay magpapakasal na ba sila?

Buntis na ba si Kyline?

Akala mo naman kasi kung anong napakalaki na ang aaminin  nila. Pero hindi pinatulan ng marami.

Alam mo kasing pang-eeklay lang.

Saka umamin na ba silang mag-jowa sila?

Tama. May ginawa silang isang mini series, na mapapanood sa streaming. Baka iyan iyong sinasabing ginawa nila sa China.

Minsan talaga, maraming nauuto.

Dapat din talaga, huwag maging mapagpatol ang mga netizen.

Teka may napapala ba sila sa mga ganyan? Or baka talagang miyembro sila ng bashers association/

Vilma ayaw pa-pressure sa MMFF!

Mukhang aabot ang pelikula ni Vilma Santos sa 50th MMFF. Sinasabi raw ni direk Dan Villegas na sa ipinakikitang kooperasyon ng mga star, maluwag niyang matatapos ang pelikula sa takdang deadline.

Malakas ang commercial viability ng pelikula dahil nariyan sina Vilma Santos, Aga Muhlach, Tirso Cruz III at Nadine Lustre.

Katulong ni Direk Dan si direk Antoinette Jadaone, kaya sigurado ang kalidad ng pelikula. Habang ang producer nila ay ang Mentorque na hindi kilalang nagtitipid sa production cost.

Ang sikreto ng mga film festival ay nasa film marketing. Sabihin mo mang maganda ang pelikula mo, kung hindi naman mai-market nang tama babagsak din iyan.

Bagama’t hanggang ngayon ay sinasabi nga ni Ate Vi na ayaw niya ng pressure, at ayaw niyang isipin na ihahabol ang pelikula nila sa festival andun ‘yung possibility, pero aniya ayaw niyang pa-pressure.

Batang aktres, parang bakla ang lakas sa bed

Nagulat ang isang kakilala namin nang makita ang isang sikat na rin namang hindi masyadong young actress na naging kontrobersiyal sa pakikipag-one night stand, na nag-iikot sa isang watering hole sa Taguig.

Sikat din ang watering hole na iyon dahil sa mga istambay sa labas kung gabi. Hindi raw nila pinakawalan sa kanilang tingin ang sasakyan ng female star, at sabay-sabay daw silang napasigaw ng OMG nang huminto ang sasakyang nagbukas ng bintana ang medyo nagtatagong not so young actress at kinausap ang isang poging car fun boy. Maya-maya, sumakay na ang car fun boy sa kotse ng fnot so young actress at umalis na sila.

Kinabukasan, iba ang takbo ng kuwentuhan. Akala raw ng car fun boy ay sandali lang sila at sa kotse lang kagaya ng karaniwan, pero hindi. Dinala raw siya nito sa isang condo at doon sila nagmilagro.

Ang kuwento raw ng car fun boy “kaya pala iniwan iyan ng boyfriend niya eh. Laspag ka na ayaw pang tumigil. Talagang tama nga pala na kung disenteng babae ka at nalaman mong ang boyfriend mo ay pumatol diyan sa babaing iyan, iwanan mo na. Grabeng babae iyan. Noong una, ang nasa isip ko hindi ko naman siya pagbabayarin. Dahil babae naman, maganda at sikat pa.”

Ahhh, grabe naman pala ang batang aktres na ‘yan kung ganun.

Ano kayang kinakain niya at ang lakas ng kanyang stamina?

vuukle comment

KOBE PARAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with