Beauty queen na nagwala, bawal na sa bandang south
Bawal munang pumasok sa isang probinsiya sa South ang isang beauty queen-actress.
Madalas kasing bumiyahe sa nasabing lugar ang beauty queen. May tao sa probinsiya na madalas nag-aasikaso sa booking niya sa mga hotel.
Sa isang biyahe minsan, walang four o five star na hotel nana-book ang tao ng beauty queen. Eh dahil walang nakuha, isang hindi masyadong sosyal na apartelle ang nakuha ng tao niya.
Nagtiis ang beauty queen ng ilang araw. Pero sa second day ng pag-stay niya sa apartelle, nangyari ang kalokahan ng BQ.
Nagpabili siya ng food sa tao niya. Pagdala ng food, wala itong kasamang spoon and fork at iba pang condiments.
Bumaba na lang ang BQ para humingi sa front desk ng kailangan. Pero sinabihan ang BQ na wala raw sila.
Uminit ang ulo ni beauty queen! May nakitang ref sa lobby.
Binuksan niya ang ref at walang nakitang kailangan.
Sa galit at buwisit, nagtatalak siya sa maliit na lobby at pabalibag na isinara ang pintuan ng ref at nagbagsakan ang laman ng ref!
Nakarating sa manager ng apartelle ang ginawa ng beauty queen at nagsumbong sa pamunuan ang local government unit na pagbawalan muna siyang pumunta sa probinsiya!
Hay, grabe si BQ, huh!
Campaign doc, susubukan sa Oscars
Napili ng Film Academy of the Philippines ang documentary na So It Begins bilang entry ng Pilipinas sa Internationl Film Category sa 97th Academy Awards o Oscar Awards.
Tungkol ito sa election campaign ni former Vice President Leni Robredo nung 2022 presidential elections.
Featured sa docu sina Leni, Kiko Pangilinan, Bongbong Marcos, Rodrigo Duterte, Sarah Duterte, Marian Resa at marami pang iba.
Mula sa direksyon ni Ramona S. Diaz ang So It Begins.
- Latest