Doc Willie, umaasa sa himala!

Doc Willie Ong

Nangangailangan ng patuloy na dasal ang tinaguriang `Doctor ng Bayan’ na si Dr. Willie Ong na binigyan ng 50-50 chance na mabuhay dahil sa kanyang sarcoma cancer (cancer of the abdomen).

Ang popular doctor ay kasalukuyang nasa Singapore kung saan ito ngayon nagpapagamot kasama ang kanyang asawa na isa ring doctor, si Doc Anna Liza Ramoso-Ong.

Kung si Doc Willie Ong lamang ang masusunod ay gusto pa niyang humaba ang kanyang buhay but if It’s God’s will ay tanggap umano niya ang kaloob ng Diyos. Hindi rin ikinakaila ng pamosong doctor na kapag sumusumpong ang sobrang pain ay gusto na umanong niyang mawala na lamang, take Dormicum and die in his sleep.

Although nagsu-suffer ngayon si Doc Willie sa kanyang sakit, napakarami niyang taong natulungan sa pamamagitan ng kanyang online medical advices.

Nagbabakasali pa rin siya na siya’y himalang gagaling.

Sylvia, tatlong taon niligawan si JK!

Hindi ikinakaila ng award-winning actress, TV, Film and concert producer na si Sylvia Sanchez na halos tatlong taon umano niyang ‘niligawan’ ang young singer-songwriter at actor na si Juan Karlos `JK’ Labajo bago pumayag mag-concert sa SM MOA Arena.

Naging matiyaga si Sylvia sa paghihintay kay JK na sumabak sa major concert dahil wala umano itong tiwala sa sarili nung una na kaya niyang mag-concert.

Maraming concert producers ang nag-attempt na kunin ito pero ito’y tinatanggihan ni JK. Dahil na rin siguro sa pagiging ‘makulit’ at pagiging motherly ni Sylvia ay sa kanya ito pumayag.

Sa darating na Nov. 29, 2024 ay matutupad na ang first major concert ni JK sa SM MOA Arena na pinamagatang Juan Karlos: LIVE na ipu-produce ng Nathan Studios na pag-aari ng pamilya Atayde.

Hindi rin ikinakaila ni Sylvia na lahat umano sila sa kanilang pamilya lalung-lalo na si Arjo (Atayde) ay hanga sa husay ni JK kaya makailang beses itong kinausap ng actress na ipu-produce niya ito for a major concert.

At 23, handa nang sumabak sa concert stage ang produkto ng The Voice Kids – Philippines sa unang season nito nung 2014 where he placed third. Napasama rin siya sa PBB Celebrity Edition 7 nung 2016. He did supporting roles sa ilang TV series ng ABS-CBN tulad ng Hawak-Kamay, Pangako sa `yo, A Love to Last and a lead role in Senior High and High Street. Nakagawa rin siya ng pelikula, ang Blue Room at Ako si Ninoy.

Tiyak na dudumugin ang kanyang first major concert at SM MOA Arena on Nov. 29, 2024 dahil sa kanta niyang Buwan.

Show comments