^

Pang Movies

Regine, perfect ang attendance sa Gabay Guro

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Regine, perfect ang attendance sa Gabay Guro
Gabby, Regine at Chaye

Lubos ang pasasalamat ng Gabay Guro kay Regine Velasquez dahil for 17 years, walang mintis na dumadalo siya kahit saan ang venue. Sumama pa siya sa Hongkong para lang mapasaya ang ating mga guro na every year, binibigyan ng tribute.

This year, magpe-perform uli si Regine kasama ang iba pang singers all for the love at pasasalamat din sa mga guro. Magaganap ang Teacher’s Tribute ngayong taon sa September 29, 2024 (Sunday) sa Meralco Theater sa Ortigas, Pasig City. Kasama ni Regine na dumalo sa presscon ng Gabay Guro si Gabby Concepcion at kanilang ipinaalam ang magandang mangyayari sa nasabing araw.

Bukod sa walang absent sa Gabay Guro si Regine, minsan na rin siyang kumanta ng theme song nito. “Masarap makasama sa isang okasyon ang mga guro na malaki ang naitutulong sa paghubog sa ating mga kabataan. It’s very inspiring and very fulfilling,” ani Regine.

Naiiba ang Gabay Guro this year dahil back-to-back ang tribute sa mga guro at in-announce ni Ms. Chaye Revilla, Gabay Guro Chairperson na magkakaroon din ng Gabay Guro Wellness Fest on October 6, 2024, sa Ynares Sports Arena sa Shaw Boulevard, Pasig City. Ito ay sa ilalim ng Gabay Guro’s Health and Wellness pillar and will be staged in cooperation with mWell, the country’s first fully integrated, fully digital health and wellness platform.

Ang Gabay Guro ay flagship education program ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC), Metro Pacific Investments Foundation (MPIF), at PLDT-Smart Foundation (PSF) with PLDT Managers’ Club Inc.

Maymay, rarampa rin sa PFW

Rarampa rin sa runway sa Paris Fashion Week si Maymay Entrata, irarampa nito ang designs nina Leo Almodal at ang Vietnamese designer na si Phan Huy. Naka-schedule ang runway walk ni Maymay sa September 28 and 29. First time ni Maymay na dadalo sa PFW at dinala siya roon ng MM Milano Fashion Brand.

“Ako po ay sobrang excited for the Paris Fashion Week, kasi first time ko pong pumunta doon. First time ko pong maimbitahan,” sabi ni Maymay.

“Pinaghandaan ko po talaga itong Paris project po talaga kasi first time ko pong inimbitahan ng Paris Fashion Week and of course, mag perform din po doon,” dagdag ni Maymay.

Magpe-perform din si Maymay sa opening bago ang runway show at may mga performance pa siya kasama ang ilang Filipino artists at performers from other countries.

Tuwang-tuwa ang fans ni Maymay sa dumating na opportunity sa kanya at big time ito dahil sa Paris Fashion Week siya rarampa. Umaasa ang kanyang fans na may mga susunod pang offer for her to walk the runway sa ibang fashion wee

Nasa Paris Fashion Week din si Michelle Dee na ginulat ang followers niya sa Instagram dahil sa kanyang blonde hair.

 

REGINE VELASQUEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with