^

Pang Movies

Female personality, matagal nakitira sa bahay ng hunk actor

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Tumira pala ang isang female personality sa bahay ng isang hunk aktor na questionable ang sexual preference!

Eh magkaibigan kasi sila at magkasama pa sa negosyo. Nag-iisa naman si female persona­lity at malaki ang bahay ni hunk aktor kaya pumayag siya sa pagyaya nitong magsama na sila sa bahay.

Si female personality, madaling ma-in love sa nakakasama at nagiging kaibigan. ‘Yung akala niyang magugustuhan siya ng aktor eh naburang lahat nung sabihin sa female personality na hindi siya type nito!

Naguho ang mundo ni female personality sa pag-amin ng aktor na lalaki rin ang gusto niya!

Packup si female personality sa bahay ng hunk actor at nawala na lang bigla sa sirkulasyon habang si hunk actor eh aktibo pa rin sa showbiz!

Serye ni Jillian, tuloy na ang pagbabu

Mixed emotions ang viewers ng Abot-Kamay Na Pangarap sa pagtatapos ng series.

Mismong ang GMA na ang may post sa social media ng series na isang buwan na lang ito sa ere.

May nalulungkot dahil hindi na mapapanood ang idolo nilang si Jillian Ward. Pero meron din namang natutuwa dahil nauumay na sila sa kuwentong nagsanga-sanga kung saan-saan!

Eh for more than two years, naaliw naman tayo ng AKNP kahit nahahaluan na ito ng pantasya, huh!

Next teleserye, please!

vuukle comment

JILLIAN WARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with