Tama ang comment ng singer na si Jeffrey Hidalgo, hindi dapat kunsintihin ang sexual harassment at kailangan ngang magkaroon din ng hustisya sina Gerald Santos, Enzo Almario at maraming iba pang biktimang hindi lang lumalabas.
Pero hindi naman dapat na kondenahin agad ang napagbibibintangan, dapat marinig din naman kung ano ang masasabi ng musician, composer na si Danny Tan sa mga ibinibintang sa kanya.
Sa ngayon ang naririnig lang natin ay iyong supposed to be mga biktima, hindi pa natin naririnig ang ano mang bagay mula sa pinagbibintangan. Siguro naghihintay nga siya kung idedemanda ba siya at saka siya sasagot sa “proper forum.”
Pero habang naghihintay siya at hindi sumasagot, natatanim sa isip ng mga tao na may mga bata siyang napagsamantalahan.
Kaya nga sinasabi namin, tama ang ginawa ni Sandro Muhlach na nagdemanda siya, hindi lamang siya nakakakuha ng hustisya sa pang-aabuso sa kanya.
Nagkaroon din naman ng pagkakataon ang suspects na marinig ang katuwiran nila.
Kung ang mga ganyang bagay ay pag-uusapan na lamang, walang pagkakataon ang magkabilang panig na makakuha ng hustisya.
Bukod doon, ang ibang mga tao naman ay nagiging aware sa mga pangyayari at nakakapag-ingat sila.
Ate Vi, babanggain ni Mark!
Pinag-uusapan nila ang isang non-commissioned political survey na ginawa sa Batangas na nagsasabing sa limang libong taong kanilang natanong lamang sa governatorial race si Vilma Santos laban sa kanyang pinakamalapit na kalaban, ang dati niyang vice governor na si Mark Leviste, at ang isa pa niyang kalaban na mula rin sa isang political clan.
Limang libong tao lang iyan, at kung iisipin mo ang lalawigan ng Batangas ang isa sa may pinakamalaking bilang ng mga botante. At diyan sa lalawigang iyan natala ang biggest number of margin, ang pinakamalaking agwat ng bilang sa kalaban na record rin ni Ate Vi.
Kaya nga magmula noon lahat na halos ng kandidatong Recto sa Batangas ay walang kalaban, at hindi lang ang mga Recto, ang mga kandidato ng kanilang partido ay wala rin halos kalaban.
Iyong malinis na record din ni Vilma Santos, na kinilala ng Civil Service Commission at ni dating pangulong Noynoy Aquino na nagkaloob sa kanya ng Lingkod Bayan Award, ang pinakamataas na karangalang maaaring ipagkaloob ng presidente ng Pilipinas sa isang public servant.
Ang panalo lang nila riyan ay kung wala na talagang interest sa public service si Ate Vi at maisipan niyang balikan na nang tuluyan ang showbusiness at tumulong na lang siya sa Batangas.
Pero kung hindi, papaano mo nga ba tatalunin ang isang Vilma Santos?
Maliwanag din noon na kung may gusto siyang gawin at kulang ang pondo, gumagawa siya ng pelikula at iyong kinikita niya roon ang pandagdag sa kulang na pondo para matapos ang proyekto. Kaya nga hindi mo halos masabi na may pakinabang siya sa kanyang puwesto.
Mahirap talagang kalaban kung ganyan ang reputasyon ni Ate Vi.
Kaya talagang olats ang mga kalaban.