^

Pang Movies

Beauty at Sid, magtatambal!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Beauty at Sid, magtatambal!
Beauty Gonzales

Bibida sina Beauty Gonzalez at Sid Lucero sa pelikulang Outside, na kauna-unahang zombie movie ng Netflix Philippines.

Pinasilip na ang official trailer ng pelikula na inaasahang magdudulot ng takot sa mga manonood.

Ipinakita sa trailer ang pamilya nina Francis (Sid) at Iris (Beauty), habang nasa van kasama ang mga anak na sina Josh (Marco Masa) at Lucas (Aiden Tyler Patdu). Umalis sila sa kanilang lugar para takasan ang zombie outbreak.

Ang Outside ay sa direksyon ni Carlo Ledesma, na nasa likod ng mga horror film na The Tunnel at Sunod, at ang horror-comedy short na The Kapre.

Nakatakdang ipalabas ang Outside sa Oct. 17 sa Netflix.

SB19 at KATSEYE, kumasa sa Touch challenge!

Nagsama-sama sa isang collab ang global girl group na KATSEYE at P-pop Kings SB19 at kumasa sa Touch TikTok dance challenge.

Sa TikTok ng KATSEYE, mapanonood ang SB19 members na sina Pablo, Stell, Ken, Josh at Justin na kumasa kasama ang Filipina leader na si Sophia, Yoonchae, at Daniela.

May higit tatlong milyong views na ngayon ang video.

Matatandaang bumisita ang KATSEYE sa Pilipinas para sa kanilang Manila fan showcase, at nag-guest din sa It’s Showtime.

Samantala, tila naging ika-pitong miyembro ng KATSEYE ang online sensation na si Niana Guerrero matapos niyang maka-collab din ang global girl group at kumasa sa Touch dance challenge.

vuukle comment

BEAUTY GONZALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with