Danica at Marc, tumibay sa intriga!

Danica, Marc at mga anak

Teenager na rin ang unica hija nina Danica Sotto at Marc Pingris na si Micaela. Ipinost ng anak ni Vic Sotto ang litrato nilang pamilya kasama ang mensahe para sa anak.

Ibinalita niya nga na meron nang panibagong teen sa kanilang pamilya na si Caela, na second child nila na aniya ay kanyang mini-me.

Binati niya ang anak sa ika-13th birthday nito at wish niya ay patuloy itong gabayan ng Panginoon. Pinaalalahanan din niya ito na laging magtiwala sa Panginoon nang buong puso.

Alam daw niya na minsan nakukulitan na sa kanya ang mga anak pero ito raw ay dahil mahal niya ang mga ito at para sa ikabubuti lamang nila.

Hindi na raw niya pahahabain ang kanyang post dahil nilagay na raw niya ang mensahe sa anak sa letter na ginawa niya para roon.

Samantala, hindi naman nagpaapekto ang mag-asawang Marc at Danica sa intrigang kinasangkutan ng mister ilang buwan ang nakalilipas.

Maaalalang naintriga ang dalawa na merong namamagitan sa kanila ni Kim Rodriguez dahil sa mga litratong kuha nila na merong pagkakapareho ng lugar.

Nagsalita ang basketball player at mariing tinanggi ang cheating allegation. Sinabi niyang walang katotohanan ang mga lumabas na balita tungkol sa kanila ng aktres.

Ok raw sila ng kanyang pamilya at humingi siya ng respeto para hindi madamay ang mga anak nila ng anak ni Bossing.

Show comments