Dominic, mas marami na raw ganap kesa kay Bea

Dominic

MANILA, Philippines — Mas marami na raw ganap ngayon si Dominic Roque kesa sa ex niyang si Bea Alonzo.

Pansin ng ibang netizens, Windows’ War na lang ang pinagkakaabalahan ng actress samantalang ang ex ay pulos ang travel sa ibang bansa para sa collaboration sa mga produkto.

Kamakailan daw ay nasa South Africa ito.

At ang last post ni Dominic ay nasa Singapore naman.

Anyare raw kaya at walang gaanong ganap si Bea?

Kahit daw sa mga luxury brand hindi rumarampa ang actress.

At kahit daw pelikula ay walang binabanggit ang actress.

Sabagay, mayaman na naman siya at baka nga choice niya na hindi mangarag sa trabaho.

Show comments