Kobe, nag-iba ang hitsura

Kobe

Ang bongga naman ng anak ni Jackie Forster kay Benjie Paras na si Kobe Paras na lalong gumuwapo nang magpaiksi buhok.

Lalo ngang na-in love ang kanyang mga tagahanga nang makita nila ang ipinost ng nanay ni Kobe pagkatapos nitong magpagupit.

Kahit nga raw ang nanay nitong si Jackie ay hindi napigilan na hindi i-post ang litrato ng anak.

“Birthday boy got that James Dean day dream cut,” caption ni Jackie na nag-sorry pa sa anak dahil ang pogi raw talaga nito.

Mas nagmukha nga raw itong malinis at mabango ayon sa mga tagahanga niya.

Guwapo rin daw ang kapatid nitong si Andre pero iba raw kasi ang kagwa­puhan ni Kobe na pang-showbiz daw talaga ang dating at ngayon nga raw ay mas lumabas pa lalo.

Aliw nga ang fans na nagsabing ang gwapo raw talaga nito at tiyak na nakakandong din sila lagi kay Kobe na ang tinutukoy ay ang pag-trending ng pagkandong ni Kyline Alcantara kay Kobe kamakailan.

Si Kyline nga kasi ang sinasabing karelasyon nito pero wala pa silang inaamin kahit na madalas silang makitang magkasama.

Hindi kinumpirma o dinenay ng aktres ang relasyon nila pero inamin niyang napapasaya siya nito.

Bago pa nga i-post ni Jackie ang bagong haircut ng anak ay nauna nang nai-post ni Kyline ang photo nito nang batiin niya ito nung birthday nito na sinimplehan lang ang pagbati.

Bongga. Ano kayang masasabi ng alaga kong si Benjie Paras sa lovelife ngayon ni Kobe kung sila na nga ni Kyline?

Show comments