^

Pang Movies

Jodi nag-horror, susubok din sa MMFF!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Kahit wala na si Mother Lily Monteverde ng Regal Films ay ipapatuloy pa rin ng kanyang mga anak ang legacy na kanyang iniwan - ito ay ang pagmamahal sa film industry at patuloy na pagpo-produce ng pelikula.

Ayon sa anak ni Mother Lily na si Roselle Monteverde sa mediacon na isinagawa kahapon, itutuloy pa rin nila ang Regal Films at hindi sila titigil sa pagpo-produce ng pelikula dahil alam niyang ito rin ang gusto ng kanyang ina.

Inanunsyo nga rin sa naturang event na ipalalabas na nila tatlong huling pelikulang ginawa ni Mother Lily sa Regal Films bago ito pumanaw. Ito ay ang Guilty Pleasure na pinagbibidahan ni Lovi Poe, My Future You nina Francine Diaz and Seth Fedelin at ang horror film na Untold starring Jodi Sta. Maria.

Ang Untold ay balak isali ni Roselle sa Metro Manila Film Festival 2024 and hopefully nga raw ay makapasok.

Sa nasabing event ay pormal na ipinakilala ni Roselle sa lahat ang bagong executive vice president ng Regal Films, ang kanyang lawyer son na si Keith Monteverde.

FranSeth, binuking ang subuan!

Sa naturang event ng Regal Films ay dumalo ang lahat ng stars na bida ng nasabing tatlong pelikulang naiwan ni Mother Lily at masayang-masaya nga ang FranSeth dahil ito ang kanilang kauna-unahang pelikula at first film din sa naturang produksyon.

Kwento ng direktor na si Crisanto Aquino ay tuwang-tuwa siya sa FranSeth dahil kahit isa lang ang kailangan sa set ay pareho silang dumarating to support each other.

“Hindi sila naghihiwalay, parati silang magkasama. Kahit sa pagkain, nagsusubuan sila,” pagbubuking ni direk.

Dagdag pa niya, kinikilig daw siya sa dalawa at naaalala niya ang kanyang high school days kapag nakikita niya ang FranSeth.

“Sa edad kong ito, 44 na ako, pag nagkikita ko sila, uyy!” sey pa ng direktor.

Anne, may patikim sa MFW

Nagpasilip na ng kanyang OOTD si Anne Curtis sa Milan Fashion Week na inaabangan ng kanyang mga tagahanga.

Kasalukuyang nasa Italy si Anne for MFW through Gucci’s invitation. Sa kanyang Instagram account ay nag-post ang aktres ng ilang mga larawan showing her look of the day.

“Buongiorno sparkling my way through Milan. Excited for the @gucci show later today! 3pm CEST and 9PM PH time. Be sure to tune in at Gucci.com,” caption ni Anne.

 

vuukle comment

MOTHER LILY MONTEVERDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with