^

Pang Movies

Award-winning actress, natangayan ng datung ng ex na aktor

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Malakas palang kumita ang isang award-winning actress simula nung maging bida siya sa mga series. Kasunod kasi nito ang pagiging mabenta niya as endorser na milyon ang ibinayad sa kanya.

Kaya naman naging ligawin si aktres mula sa iba’t ibang mundo gaya ng showbiz, politics at sports.

Pero may isang aktor na una niyang nagustuhan. Medyo tumagal din sila ng ilang taon pero naghiwalay rin.

‘Yun nga lang, dahil sa sobrang pagmamahal ng aktres, nagawa niyang pahiramin ng malaking pera ang aktor na mula sa isang showbiz family, huh!

Ang masaklap, hindi na nabayaran ng aktor ang kanyang utang. At kapag natatanong sa aktres na busy sa TV series ngayon, ang perang nahiram ng aktor, smile at look to the sky na lang si aktres!

Rita at Lloyd, napagkamalang mag-ex!

Hindi pa magtatapos sa GMA Afternoon Prime ang Lilet Matias: Attorney-at-Law.

Kasama sa cast si Rita Avila na kamakailan eh nag-birthday. “Matagal pa nasasagad nga kami sa taping dahil nagagamit ‘yung mga na-taped naming episodes.

“Masaya ako sa grupong ito. Naikuwento ni Lloyd (Samartino) na tinanong siya ng viewers kung nagkaroon ba kami ng relasyon.

“Malakas daw kasi ang chemistry namin sa screen. Sagot ni Lloyd, ‘Mga artista kami!’” na ang ibig sabihin marahil eh magagaling sila sa characters nila upang maging hitsurang makatotohanan!

Happy, happy birthday, Rita/Ana!

vuukle comment

RITA AVILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with