^

Pang Movies

Ipe, tuloy ang pagse-senador

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Wala nang urungan ang pagkandidato ni Phillip Salvador bilang senador sa midterm elections sa 2025.

Makakasama ni Ipe sa tiket ang kapwa kapartido na sina Senators Bong Go at Bato dela Rosa na tatakbong re-electionist.

Si Sen. Robin Padilla ang magiging campaign manager ng PDP na pinamumunuan ni former president Rodrigo Duterte. Lumutang na ang pagkandidato ni Ipe a few months ago at ngayon lang, nakumpirma dahil may official announcement na.

Kung marami ang nagwe-welcome sa kanya sa pagpasok sa pulitika, marami rin ang ayaw.

Sorry na lang sa bashers, pero parang wala nang atrasan ito, sa October, magpa-file na siya ng candidacy at susunod nito, mangangampanya na siya.

Liza, ginawang tagabitbit ng bag si Jeffrey Oh

Hinanapan ng fans ng chaperone si Liza Soberano nang malamang si Jeffrey Oh lang ang nakitang kasama niya nang magpunta sa Singapore para sa Asia Summit 2024.

She is 27 years old at hindi na niya kailangan ang chaperone. Saka, matagal na raw nitong kilala si Jeffrey at tiwala siya rito dahil kung wala siyang tiwala, magsasama siya ng chaperone at hindi ipagkakatiwala ang career kay Jeffrey.

Natawa lang kami dahil ang layo na nga ng photo ni Jeffrey, nakita pa rin ng netizens na dala nito ang bag ni Liza. Nagmukha raw itong PA ng aktres.

Richard at Barbie, hindi pa nag-aayuda

Tapos na ang Cycle 2 ng taping ng Incognito sa Italy at malamang, pabalik na ng Pilipinas ang cast. Ang sabi, may iba pang location ang taping ng action series ng ABS-CBN.

Una silang nag-taping sa Palawan, kasunod itong sa Italy, pero parang kulang pa ang mga eksenang nakunan.

Nagtatanong ang fans nina Richard Gutierrez at Barbie Imperial kung kailan magsisimulang mag-taping si Barbie? Wala siya sa taping sa Palawan at wala rin siya sa taping sa Italy? Kasama pa raw ba ito sa Incognito?

Nanghinayang ang fans nila na hindi sila nagkasama sa two cycles ng taping, wala raw tuloy silang ayuda mula sa dalawa. Ang ayuda na tinutukoy ng fans ay mga behind-the-scenes at off-cam moment nila.

vuukle comment

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with