Jowa nakabuntot... Liza, naging speaker sa Singapore

Siwon at Liza

Kabilang si Liza Soberano sa speaker sa Asia Summit 2024 na ginawa sa Marina Bay Sands sa Singapore. Marami ang humanga sa kanya lalo na at kasama rin niyang speakers ang South Korean singer-actor na si Siwon Choi na UNICEF Regional Ambassador, East Asia and Pacific, United Nations Children’s Fund at si Hannah Nguyen, isang entrepreneur, philanthropist at UNICEF International Council Member.

Ang pagpapakilala kay Liza ay Ambassador ng Save The Children Philippines at marami ang hindi nakakaalam sa advocacy niya para sa mga bata. Inalala rin ng ibang netizens na ang foundation ni Liza ang isa sa mga rason sa pagtaas ng age consent ng statutory rape, kaya mas marami ang humanga sa kanya.

Hindi lang ang pagiging speaker niya ang balita sa kanya, pinag-usapan din ang video na kausap ni Liza si Raline Shah, isa ring actor from Indonesia at dumalo rin sa Asia Summit 2024. Nagtsikahan ang dalawa sa video at habang nag-uusap ang dalawa, spotted sa likod ni Liza si Jeffrey Oh.

Si Jeffrey ang controversial former business partner ni James Reid sa Careless Management at nali-link kay Liza ngayon. Obviously, kasama ni Liza sa Singapore si Jeffrey at comment ng netizens, pagkukumpirma raw ito na dating ang dalawa.

May nag-comment naman na baka si Jeffrey ang bagong manager ni Liza dahil wala na nga siya sa Careless at sinamahan lang niya sa Singapore si Liza. May nag-comment pa na dapat, si Liza ang tanungin ni James kung nasaan si Jeffrey dahil tiyak na alam ni Liza kung nasaan ito. ‘Yun ay kung sasabihin ni Liza.

David, may hirit sa halik ni Barbie!

Kinontra ng bashers ni Barbie Forteza ang sinabi ni David Licauco sa muli nitong paggi-guest sa Fast Talk with Boy Abunda na mas naging mature na sila ni Barbie Forteza sa kanilang trabaho. Nabanggit kasi ni David na willing silang gawin kung ano ang nasa script ng Pulang Araw.

Nag-react agad ang bashers ni Barbie, kung mature na raw ang aktres, bakit ayaw pa rin nitong pahalik kahit kailangan sa eksena? Binalikan ng bashers nito ang eksena na dapat may kiss sila, pero fake pa rin ang kiss dahil buhok lang ni Barbie ang nahalikan ni David.

May sagot si David sa isyung ito na naging dahilan ng bardagulan ng kanilang solid fans.

“Hindi lang, Tito Boy, sa mga kissing scenes, even ‘yung mga scene namin ngayon mas mature in terms of emotions. So mas grabe ‘yung hug, dati ‘yung hug namin ganito lang... ngayon mahigpit na,” sabi ni David.

Ayun naman pala, dapat din intindihin ng fans na may mga artistana hindi komportable sa kissing scene at isa na si Barbie rito.

Saka, si David, hindi nagreklamo, okay na ‘yung fake kiss muna. Hintayin n’yo na lang na maging ready na sa kissing scene si Barbie.

Kyline, tipid ang pa-birthday kay Kobe

Nakulangan ang fans nina Kyline Alcantara at Kobe Paras sa birthday greetings ng Kapuso aktres sa kanyang rumored boyfriend. “HBD @kokoparas” lang ang birthday greetings, pero may kasamang emoji ng white heart.

Wala man lang daw sweet message gaya ng “I love you,” “I care for you” or anything sweet na magpapakilig sa makakabasa. Ang tipid pa raw ng birthday greetings ni Kyline dahil “HBD” lang ang isinulat, hindi pa binuo.

Natandaan ng fans na matipid din ang birthday greetings ni Kobe sa nakaraang birthday nito. Generic din ang birthday greetings niya at bumawi na lang sa message niya sa aktres sa Fast Talk with Boy Abunda guesting ng aktres at may message sa kanya si Kobe.

Show comments