Mag-amang aktor, ‘di nagpalaway sa bading na exec

Ang indecent proposal daw ng isang beki executive ang naging dahilan kung bakit nilisan ng promising male hunk ang showbiz at sa ibang bansa ito naghanap ng kanyang kapalaran.

Pang-matinee idol pa naman ang young actor na ito at may talent pa sa pagkanta. Pero hindi raw nito matanggap na ang pinagkatiwalaan niyang mag-mentor sa kanya sa pagpasok sa showbiz ang siyang gustong dyowain siya.

Noong ikuwento ni young actor ang indecent proposal sa kanyang ama na isang former celebrity rin, ang unang tanong nito sa anak kung tinanggap ba niya ang offer? Ang sagot ni young actor ay hindi.

Naiyak na lang daw ang ama ni young actor dahil pinagdaanan din daw niya ang alukin ng indecent proposal noong kabataan niya at nagsisimula rin sa showbiz. Pero dahil hindi siya pumatol kaya hindi masyadong lumaki ang name niya ‘di tulad ng ibang kasabayan niya.

Walang pagsisisi ang ama dahil nanatili siyang malinis sa pagpasok at paglabas niya ng showbiz.

Kaya natuwa siya sa naging desisyon ng kanyang anak na huwag tanggapin ang indecent proposal. Nasa tamang edad na raw ito para mamili ng kanyang gagawin at mas pinili nito na iwan na lang ang showbiz.

No regrets si young actor sa napili niyang desisyon. Mawalan man siya ng career sa showbiz, walang bading na puwedeng mag-claim na nalawayan siya ng mga ito at walang bading ang puwedeng magpatakbo ng buhay niya.

Empoy, ‘di kaya na wala ang bigote

Inamin ni Empoy Marquez na marami na raw nagtangka na ahitin ang kanyang signature bigote.

May mga nagtapumpay naman alang-alang sa pelikula.

“Marami nang nagtangka na ahitin, tanggalin. Pero may mga nanalo... may mga palabas ako na dalawa talaga na nagawa ko na wala akong bigote,” sabi pa ng bagong co-host ni Susan Enriquez sa I-Juander.

Sa podcast na Surprise Guest with Pia Arcangel, tinanong ang aktor kung kailan niya nadiskubre ang talento niya sa pagpapatawa. High school o college na siya nang sabihin sa kanya na nakakatawa siya.

Nagtrabaho si Empoy sa isang convenience store nang may naghikayat sa kanyang kaibigan na mag-audition sa “Mr. Suave” look-alike contest na siya ang nanalo noong 2003.

Show comments