Gabby, choosy sa script ng reunion movie nila ni Sharon!

Gabby

Kung si Gabby Concepcion ang tatanungin, game na game naman daw siya sa reunion film nila ni Sharon Cuneta na as we all know ay matagal nang inaabangan ng kanilang fans.

Matatandaang ilang taon na ngang pinaplano ang reunion movie nina Gabby at Sharon pero parati nga itong nauudlot sa maraming kadahilanan.

Nang makausap namin si Gabby para sa Dear Heart USA and Canada Tour, inamin niyang isa sa dahilan kung bakit hindi matuloy ang reunion film ay dahil sa kawalan ng magandang script.

“Kaya ‘yan hindi matuluy-tuloy, I’ll be honest with you guys, I’m very particular with the story,” aniya.

Hindi raw porke’t inaabangan ng mga tao ang kanilang pagsasama sa  pelikula ay basta na lang sila gagawa para lang mapagbigyan ang fans.

“Dapat maganda rin ang storya. Para sa kanila rin ito at para sa amin din. Para ‘pag napanood natin, we feel good,” he said.

Aminado rin siyang marami na siyang tinanggihang scripts na inihain sa kanya para sa reunion movie nila ni Sharon.

“Because nakita ko, ako ha, nakita ko, ‘yung pattern niya is the same (sa mga dati nilang ginawa). I want it different. Kaya may mga ideas din ako. So, bubuuin natin ‘yon, at ‘pagka nabuo at tama sa lahat, gawin natin,” sey ng aktor.

Pero kahit wala pang reunion film, mayroon naman daw silang Dear Heart concert ni Sharon kung saan ay pwede silang mapanood ulit ng kanilang fans, especially ‘yung mga nasa USA and Canada.

Magsisimula na ngayong Oct. 26 ang USA-Canada tour ng Dear Heart concert sa Harrah’s Resort Southern California.

Ang iba pang schedule ay Oct. 27 at Saban Theatre in California, Nov. 2 at The Meeting House in Canada, Nov. 15 at Thunder Valley Casino Resort in California, Nov. 17 at Westgate Las Vegas Resort & Casino in Las Vegas, Nov. 21 at Club Regent Events Centre in Canada, Nov. 23 at Hawaii Convention Center in Honolulu and Nov. 29 at Chandos Pattison Auditorium in Canada.

Anne, rarampa rin sa Milan

Hindi lang sina Heart Evangelista at Pia Wurtzbach ang celebrities na nasa Milan Fashion Week ngayon kundi pati na rin sina Marian Rivera and Anne Curtis.

Ito nga bale ang debut ni Marian sa fashion week at dadalo siya para sa ineendorso niyang Italian make-up brand. Kasama ng aktres na lumipad sa Italy ang mister niyang si Dingdong Dantes.

Makikita nga sa Facebook page ni Philippine Consulate General in Milan na si Mr. Elmer G. Cato ang pag-welcome niya sa mag-asawang Dingdong and Marian.

“Last night, we got to welcome celebrity couple Marian Rivera and Dingdong Dantes who are visiting Milan for the first time,” bahagi ng caption ni Mr. Cato sa larawan niya with DongYan.

“Over dinner, we congratulated Marian and Dingdong for the success of their movie Rewind, which we got to watch on Netflix a few nights ago. It is now the highest grossing Filipino film of all time.

“We also thanked the couple for their philanthropic work back home, especially the assistance they have been extending to women and children with disabilities. We also had a very interesting conversation on the West Philippine Sea with Dingdong, who is also a reserve officer of the Armed Forced of the Philippines. That’s the W sign for West Philippine Sea that we were flashing,” kwento pa ni Mr. Cato.

Si Anne naman ay imbitado ng Gucci sa Milan Fashion Week base sa kanyang mga Instagram post.

“Touchdown Milano. Fresh pa ba? So happy to be here for my Gucci fam! Can’t wait for the show tomorrow!” ang caption ni Anne sa larawan niya na nasa Milan airport.

Comment ni Bea Alonzo, “ganda!!”

Sey naman ni Dr. Vicki Belo, “hope to see you.”

Show comments