Anak na Bisexual ni Sheryn, maagang nagladlad
Lumantad bilang bisexual ang nag-iisang anak ni Sheryn Regis na si Sweety Echiverri sa isang morning talk show noong 2023.
Ayon kay Sheryn, natakot siya nang umamin ang kanyang anak tungkol sa sexual preference nito dahil bilang gaya niyang miyembro ng LGBTQIA+ community, hindi naging madali ang kanyang pag-come out.
Bagama’t may pangamba para sa anak, tanggap ni Sheryn ang desisyon nito na teenager pa lang nang ibulgar sa kanya at sa ama nitong si Earl Echiverri na bisexual siya.
“Baka madaanan din n’ya ‘yung pinagdaanan ko. Ayoko siyang masaktan, ayoko siyang mapagod sa buhay. But knowing her life now, I’m so happy for her kasi napili n’ya kung anong gusto n’ya talaga na, you know, I’m not saying for gender or whatever ha? She has her own thing, she has her life now.”
Proud naman si Sheryn kay Sweety dahil nakasanayan nito ang ugaling Pinoy kahit sa Amerika lumaki.
“I’m very proud of her kasi sa lahat ng mga payo ko rin sa kanya bilang nanay, kaya sabi ko nga sa ‘yo, 10 ako bilang nanay, kasi the values of everything like being a Filipino pa rin. ‘Di ko pinapaano sa kanya na Amerikana or what kasi Pinoy na Pinoy ka,” dagdag niya sa isang interview.
Noong 2021, umamin si Sheryn bilang lesbian. Kasalukuyan niyang karelasyon ang YouTuber na si Mel de Guia.
Carlo, naka-adjust sa Japanese culture
Proud ang 39-year-old multi-award-winning actor na si Carlo Aquino sa kanyang upcoming movie, ang action-drama movie na Crosspoint which was shot in Japan na sinulat at dinirek ng Japan-based Filipino writer and filmmaker na si Donie Ordiales at pinagsasamahan nila ng Emmy Awards nominee for Best Supporting Actor para sa pelikulang Shogun na si Takehiro Hira.
Bukod kay Takehiro Hira, kasama rin sa pelikula ang ibang Japanese actors tulad nina Sho Ikushima, Kei Jurosawa, Aoi Okuyama, Ken Yamamura, Rie Shibata at Misa Shimizu. Pero bukod sa mga Japanese actors, tampok din ang ilang Filipino actors tulad nina Dindo Arroyo, Sarah Jane Abad, Ian de Leon, Polo Ravales, Zeppi Borromeo at ang sikat na Filipino singer at recording star in Japan na si Marlene de la Pena.
Ang Crosspoint ay joint production ng High Road Creatives (Philippines) at 034productions (Japan). Ang nasabing pelikula ay nakatakdang magkaroon ng premiere night on Oct. 10, 2024 sa Gateway Cinema at palabas naman sa mga sinehan on Oct. 16, 2024.
It was an insightful experience for Carlo working with Japanese co-actors and crew members and shooting in Japan.
Bukod kasi sa masasarap na pagkain ng Japan, napaka-welcoming umano ng mga Japanese bukod pa sa kanilang pagiging honest and friendly. Natutunan din ni Carlo ang Japanese culture in his more than two-week stay in Japan.
Ngayong may anak at asawa na siya, ibayong sipag ang kailangan niyang gawin. Si Carlo ay may four-year-old daughter sa kanyang non-showbiz ex-girlfriend na si Trina Candaza at pinakasalan naman niya last June 9, 2024 sa isang pribadong wedding na ginanap sa isang resort in Silang, Cavite ang aktres na si Charlie Dizon.
- Latest