Bela, ibang klaseng bigas ang kinakain!

Bela Padilla

Aliw naman ang pagpuna ng netizen sa hindi paghugas ng aktres na si Bela Padilla sa bigas.

Naging usap-usapan ang video na pinost niya kung saan makikitang nagluluto at naghahanda siya para sa kanyang dinner.

Sa caption nito sinabi niyang ginawan siya ng kanyang chef, na sarili lamang niya ang kanyang tinutukoy, ng crispy rice Asian salad dish with homemade calamansi at patis butter glazed Pampano, na mula sa resto na kanyang pangalawang tahanan na.

Marami nga ang natakam sa kanyang pagluluto at humanga sa kanya na parehong private chef at artist daw.

Pero hindi nakaligtas sa isang netizen ang hindi raw paghugas ni Bela ng bigas at diretso lamang nitong niluto na hindi gaya sa nakasanayan natin na dapat munang hugasan.

Sinagot naman ito ng aktres na keto rice raw ito. 

Sinang-ayunan naman ito ng netizens na shirataki rice ito at hindi talaga ito hinuhugasan para hindi maalis ang nutrients. Sa ibang bansa ay meron daw talagang mga ganitong klaseng bigas na hindi na kailangan pang hugasan.

Marami ang na-curious sa bigas na ito at tinanong pa siya kung saan niya ito nabili at sinagot naman niya ang mga ito at nilagay sa caption.

Aliw rin ang sinabi ng ibang netizens na bigas daw ito na pang-mayaman na hindi binabad sa gitna ng kalsada kaya hindi maka-relate ang ibang Pinoy.

Pinuri rin siya na hindi nito pinababayaan ang sarili at kumakain ng masustansya.

 Bongga. Ano nga bang bigas ‘yan? Parang type ko ring kumain niyan.

Show comments